Miyerkules, Mayo 30, 2012

Paano ba maging masaya? :))))


Ikaw ba ay nalulungkot? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? MALUNGKOT? Awwww. Gusto mo bang sumaya? Sasayawan kita. Ayaw mo? Ok fine. Bibigyan nalang kita ng mga gagawin upang matutong sumaya ulet. At medyo sure ako na sasaya ka talaga pag ginawa mo to. Ready ka na ba sumaya? Ready. Get set. GO!:
  1. Smile. Ngumiti ka kaibigan. Sabi sa nabasa ko (matindi talaga yung mga nababasa ko ee!) na kahit finefake mo ang pagngiti mo ay nakataas pa din ito ng mood mo.  Nagiging totoong masaya ka. Kaya sabi nga ni Love Anover “isang smile naman dyan and everything!” Ilabas ang maliit at mapuputing mga ngipin. I-unat ang mga labi. Iexercise ang mga facial muscles. At ilabas ang iyong beautiful and gorgeous smile.  Win-win situation yan ee. Gaganda ka na, sasaya ka pa at mapeprevent mo pa ang mga early wrinkles. Kaya Teh, Smile!
  2. Sing and Dance. Kumanta ka kahit wala ka sa tono… lalong lalo na kung wala ka sa tono! Sinasabi ko sayo, magiging masaya ka na, mababasag mo pa ang mga eardrum ng lahat ng nakikinig sayo! Weeee. Sumayaw ka din. Iyugyog ang buong katawan kahit dalawang kaliwa ang mga paa mo. Wala naman magsasabi sayong mali ang ginagawa mo. Kaya imove it, move it mo na yan kapatid! Sabi pa did-you-kno.tumblr.com, “Dancing has been scientifically proven to make you smarter and healthier”. Oh diba, sasaya ka na, tatalino ka pa! Bongga!  
  3. Talk. Kausapin ang mga kaibigan, kapamilya at kabarkada. Kung ikaw ay galing sa isang nasirang relasyon, mas makakapag-move on ka kung itutuon mo ang sarili mo sa ibang tao upang hindi maramdaman ang sakit (syet ang lalim!). Maganda rin na kausapin ang ibang tao para naman malaman mo na hindi ka nag-iisa na may kadamay ka sa hirap at ginhawa. Chos! Alamin ang mga nagyayari sa mga kaibigan at kapamilya mo. Makipag-usap ka. Kahit sa mga hindi mo kilala. Tiyak ko sayong sasaya ka. Tama na ang pagkausap sa sarili. Baka sa iba ka mapunta nyan ee. Concerned citizen lang. :))
  4. Count your Blessings. Kung nababasa mo tong post kong to, napakaswerte mo na. Dahil sigurado akong meron kang internet connection at marunong kang gumamit ng tumblr. Bongga! Angat ka na sa kalahati ng populasyon ng buong mundo. Isipin mo ang mga meron ka na wala sa iba. Damit. Pagkain. Tubig. Bahay. Pamilya. Kaibigan. Kung ano man ang nagpapalungkot sayo, alam kong mas maraming bagay ang makapagpapasaya sayo. Mahal ka ni Lord! :)
  5. Mentally Murder People. Parang ang positive-positive ng mga pinagsasabi ko sa una tapos tuturuan kita ng bad. Dibale minsan lang naman ako maging bad influence. Tama yang nababasa mo. MENTALLY MURDER PEOPLE. Yung mga taong nakakapagpakasakit sayo, patayin mo na… pero sa utak lang ha? wag yung totoo, bad na yun. Minsan kasi, kailangan din natin to, hindi naman pwedeng palagi nalang tayo mabait lalo na kung tayo ang laging nasasaktan. Kung tao ang nakakapagpalungkot sayo at gustong gusto mo din siyang saktan... go ahead! Saksakin, baliin, balibagin, tadyakan, hiwain at ihawin mo na yan sa utak mo. Kung anong karumaldumal na pedeng isipin. Gawin mo na. Wag lang lalabas aa. Sa utak mo lang dapat lahat yan. Ikaw at ang sarili mo lang dapat ang nakakaalam sa krimeng iyong ginawa. Pero sa totoong buhay, karma is a bitch. Hayaan mo nalang. Kakarmahin din yan. Maniwala ka sa akin at sa kumakaway na pusa. :))

Sabi nga ng kaibigan kong matalino pa kay Einstein, “Happiness is choice, you alone can choose to be happy”. Kaya piliin maging masaya. Gusto kong maging masaya ka kasi naniniwala akong overpopulated na ang mundo ng mga malulungkot na indibidwal, dadagdagan pa ba naten sila? :)) Live. Laugh. Love. Ciao! – Monike :))      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento