Sabado, Mayo 5, 2012

A Profile Pic Paints a Thousand Words :))

Ang profile pic mo ang unang unang makikita ng mga kaibigan mo kapag tinignan ang facebook page mo. Nakikita nila kung tumaba ka, pumayat, masaya, malungkot, etc dahil sa profile pic mo. Masayang tumingin sa mga profile pic dahil nakikita mo ang mga pagbabago sa kanikanilang mga buhay kahit hindi mo na sila nakikita. At may iba’t ibang klase din ng profile pic. Tignan natin kung nagkaroon ka na isa sa mga ito:
1. Maganda-ako-dito Profile Pic
Maganda ako sa picture na to, Walang pakialaman mga pare. Pag feel na feel mo na maganda ka sa isang picture. Profile pic na agad! walang pakialaman. basta maganda ang lighting, walang kitang pimple o flaws, hindi kita ang mga pinakatatago mong taba taba, Profile pic na agad. BAAAMMM!! 
2. Ako-ay-Inlove Profile Pic 
Eto ay profile ng mga inlove. Sobrang sweet, langgamin kayo dyan mga tsong. Minsan matchy-matchy pa ang profile pics nyo. Pag profile pic ni BF, Kelangan profile pic din ni GF. Minsan naman palitan ng picture. Si BF ang profile pic ni GF, and vice versa. Hindi na tuloy alam ng mga kaibigan nyo kung sino ang sino. :)

3. Once-in-a-Lifetime-Event Profile Pic 
Lahat ng Kasayahan mo sa buhay gusto mong ishare sa mga kaibigan at kapamilya mo. Kaya naman pag may event, kelangan may “Picture! Picture!”. Mapa Birthday, Graduation, Kasal, Binyag, Libing, Fiesta at kung anik anik pa kelangang may camera, at pag maganda ang kuha napupunta ito sa “uyy Maganda ako dito Profile pic with certain Theme”. 

4. Lahat-kami-Maganda/Gwapo Profile Pic 
Eto ang profile pic na hindi mo alam kung sino talaga ang may hawak ng account dahil andami nila sa profile pic. Either friends nya, kapamilya, kawork, barkada o nakasalubong nya lang sa mall at napagtripang magpapicture ang drama. Kung hindi mo talaga kilala ang friend mo at basta ka nalang inadd, masaya ito, dahil may eeniminimaynimo ka kung sino talaga ang may-ari ng account. Minsan naman kaya nila ginagawa na profile pic ito, dahil sila ang pinakamaganda o pinakagwapo sa buong picture. Kaw na ang bahalang humusga. 


5. Hindi-Ko-Rin-Alam-Kung-Bakit-Eto-Ang-Profile-Pic-Ko Profile Pic

Hindi mo rin maitindihan ang sarili mo kung bakit ito ang profile pic mo dahil wala ka naman talaga sa picture. Eto ay either cartoon character, anime, basketball player, o magandang tanawin na napicturan mo. Minsan naman masyadong blard yung picture o sinadyang ganon na hindi na nila alam ang picture na ikaw pala ang nasa picture. Minsan naman ang picture na ito ay nagpapaalala sayo ng mga pinakamamahal mong bagay, either aso, pusa, manok, baboy o iguanang alaga nyo sa bahay. Masaya din ito parang Lahat-kami-Maganda/Gwapo Profile Pic kasi hindi mo alam kung nasaan ang may-ari ng account.  O ano ang meaning ng mga bagay na to sa kanya. Kelangan mo pang tanungin o pagusapan ito ng masinsinan. :))

Sabi nila “A picture paints a thousand words” tama ba? basta nabasa ko yan somewhere. hindi ko lang maalala kung saan. Masaya ang mga profile pic. Nakakatuwang makita ang mga pagbabago sa mga buhay ng mga kaibigan mo sa pamamagitan lamang ng iisang litrato. Nalalaman mo ang mahahalagang events ng kanilang buhay kahit hindi kayo naguusap at nagkakakwentuhan man lang. Ikaw ano ang profile picture mo? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento