Linggo, Mayo 6, 2012

Hospital Instruments na Pwedeng Gamitin sa Bahay


Nagkwekwentuhan kami dati ng kagroup ko na maganda siguro kung yung mga hospital instruments ay gagamitin sa bahay. Nag-isip tuloy ako ng mga pedeng gamitin sa bahay sakaling magsara ang hospital at ibenta bilang mga second hand items ang mga hospital instruments. Tignan natin kung tama ang aking mga paniniwala:

1. OR Table – Pedeng gawing dining table. Medyo kadurdur nga lang kung iisipin mong OR table ang kinakainan nyo, pero pag nilagyan ng table cloth, pwede na din. Mahaba ang OR table parang dining table at ang pinakacool sa lahat ay ang mga function ng OR table, pede mong itaas o ibaba ang table ayon sa laki ng taong kumain with a touch of a button! Pag tapos na kayong kumain pede mong itaas ang isang bahagi ng table para yung mga mumu ng pagkain ay kusa nalang bababa sa sahig. At ang pinakabongga sa lahat ay ang lighting. Kitang kita mo lahat ng kinakain mo, kung kumakain ka ng isaw, nakikita mo yung bacteria ng typhoid fever, bongga! :)



2. Stretcher – Syempre, maganda to gawing kama. Mataas. Para parang nasa heaven ka. Gusto ko to dahil parang bed-on-wheels. Safe na safe ka pa lalo na kung malikot ka matulog dahil sa railings.  At higit sa lahat pag umaga, at kelangan mong bumangon para maligo, dadalhin ka na agad ng nanay mo sa harap ng banyo. Yebaa! Gawaing tamad. Shing shing.



3. Wheel chair – Masarap ilagay ang wheel chair sa kahit anong parte ng bahay na kelangan ng upuan. Parang living-room-showcase on wheels. Kapag nanunuod ka ng tv at kelangan mong abutin yung remote na parang naglalakad at nasa kabilang parte ng kwarto, iusod-usod mo nalang yung wheel chair na inuupuan mo. At kung  ilalagay naman to sa dining area with OR table, hindi mo na kailangan tumayo kung kukuha ka ng tubig. Pagulungin lang ang “Ride” mo. Solb na. :)



4. Hemo Dialysis Machine – cool siguro kung ganito yung tv nyo. Parang Ipad na TV. De pindot lang yung screen, lilipat na sa ibang channel at tumutunog din ito pag panget yung palabas o pagtumataas yung BP mo dahil sa palabas. tadeennn!  



5. Ilaw ng OR table – Sarap gawing study lamp. Hindi lang ilaw, kundi ILLLLLLAAAAAAWWWW!!! kung ganyan ang ilaw mo, ewan ko nalang kung hindi ka pa makapagaral ng maayos. lahat ng letra ng MS at MCN book mo na sobrang liliit ay kitang kita mo na. Kaching!


And last but not the least

6. Ambulance – Cool na cool siguro kung ambulance ang sasakyan nyo. Hinding hindi ka na talaga malalate, mapaschool man yan o trabaho. Lahat ay pagtitinginan ka kapag dumadaan ka at maggigive way pa sila sayo! Sobra ka pa kay Queen Elizabeth. Super Cool ka na talaga. You already!




Alam kong walang kwenta ang mga naisip ko. Nakakatuwa lang isipin na pwede din pala gamitin ang mga hospital instruments sa bahay. Pero mga bata, pawang mga propesyunal lamang ang gumagawa nito. Don’t try this at home. Ciao! 

Images references: 
1. http://overstockme.com/storeimages/skytron%206500%20operating%20room%20table.png
2. http://image.made-in-china.com/2f0j00uBnERJjaCecg/Stretcher-Bed-BC2000030-.jpg
3. http://image.made-in-china.com/2f0j00ehtEpZfgmQcz/Wheel-Chair.jpg
4. http://www.billpeckham.com/photos/dialysis_photo_archive/bill_10.jpg
5. http://www.narang.com/hospital-medical-furniture/ceiling-operation-theatre-lights-600-series/images/large/ceilingshadowlessotlight1dome-OL501_0.jpg
6. http://sphmc.com.ph/images/sphmc_ambulance.JPG

2 komento:

  1. oi monike kamuke...hahaha...pwede bang bumili ng lahat ng yan?lalo na ung OR light..hahaha...madami dami taung librong babasahin...hahaha


    -ang maganda mong kaibigan..BANEH..

    TumugonBurahin