Sabado, Mayo 5, 2012

Special Experience ng Special Nars


Sa bawat field of study, may specific areas of specialty kapareho din sa Nursing. Iba-iba ang special areas at exciting ang experiences dito. Naghahalo-halo lahat ng mga mararamdaman mo takot, kaba, pawis, excitement, at madami pang ibang feelings na walang pangalan. Masaya ang special fields tignan natin kung naranasan mo din ang naranasan ko: 

Hemo Dialysis

Peborit ko ang hemo dialysis sa mga special departments noong nursing student ako. Bakit? kasi walang ginagawa. Toxic lang sa umpisa pag sinesetup yung machine pero after nun. Wala na. Bahala na yung Renal Nurse don.  BP ka lang every 30 mins. Tingin-tingin Award lang. Nuod nuod ng tv. at de aircon ka pa! Ahhhh, This is what I call the REAL Nursing Life! Isa sa mga napansin ko sa hemody unit eh parang family na kung magturingan yung mga patients at Renal Nurses, pati yung mga relatives nila parang nagtatrabaho na din sa hospital. Nakakatuwa. At isa lang sa napansin ko sa mga Renal Nurses, infairness, ang gaganda nila at ang gwagwapo. Kaya gusto ko talaga maging Renal Nurse ee, feel ko, I belong! echos :)

OPD / RHU

Kapag nagduty kayo sa OPD (Out Patient Department) or RHU (Rural Health Unit) ang group nyo ay nahahati. Hahati-hatiin kayo sa apat na grupo depende sa inyong mga personalities, namely:  Best-in-VS Group, Best-in-Writing Group, Megaphone Group, at Yamashita-Treasure Group. Best-in-VS group ay kinokonsist ng mga estudyanteng nagaral ng nursing para iperfect ang pagVVS (Vital Sign), dapat magaling sila kumuha ng HR, RR at syempre BP, ung tipong tingin palang o itaas palang ang kamay ay alam na nila yung BP ni pt. Best-in-Writing Group naman ang mga nagdodocument ng mga naexperience na ng mga pt,  dapat para silang imbestigador na hinahalukay lahat ng nangyari kay pt bago nito naisipang magpagamot at kelangan maganda ang sulat para maintindihan ni Doc. Megaphone group naman ang mga taga tawag ng pt mula sa kabilang panig ng mundo, dapat sila ang mga kaklasmate mong hindi matatawaran ang lakas ng boses parang megaphone. At lastly ang Yamashita-Treasure Group ang mga kaklase mong magaling maghalungkat ng documents ng mga pt mula sa ala Yamashita-Treasure na file cabinet ng RHU.

Delivery Room 

Naalala ko nung una akong magpasok sa Delivery room, nakikita ko naman sa tv kung paano nanganganak ang mga nanay, pero hindi talaga ganon yung nangyayari sa totoong buhay. HINDI. TALAGA. GANON. Sa DR, naghahalo-halo na ang lahat: dugo, lochia, sigaw, pawis, baby, pati tae, lalo na kapag sa government hospital ka nagduty. Minsan naisip ko na napaka-religious ng setting ng DR kasi lahat ng Santo natatawag ng mga nanay kapag naglalabor. Kelangan ng mga nursing students ang DR cases para sa templates upang makapag-board exam. Kaya kung sinasabi ng mga nursing students ang nasa utak nila malamang eto ang dialogue “Inay, hangang 5am lang kami, anong oras ka ba manganganak?” o kaya naman “Inay manganak ka na please. Please, kelangan ko ng case no. ”. Kapag walang epek kay inay, si baby naman na walang kamalay-malay ang dinadasalan “Baby, maganda ang mundo, Labas na dyan, chuchu!”. Kung wala pa din epek ang dasal mo kay nanay at kay baby, si Lord na ang kausapin “Lord, sana po may isugod mula sa ER na manganganak na, agad-agad!”. Pero pag private ang hospital nyo o may balat sa pwet ang clasemate mo malamang NGANGA lang ang gagawin nyo sa DR. 

Operating Room 

Alam mo yung nakikita mo sa TV na maliwanag na ilaw kapag may inooperahan? tapos madaming kakaibang mga instruments? tapos yung mga surgeon na scary? Totoo lahat yun. Pero ang hindi nila napapakita sa tv, ay ang malakas na radio ng mga surgeon or yung kwentuhan ng kung ano-ano ng mga surgical team. Habang naghahalukay kayo ng mga laman loob ng pasyente, naghahalukay din ang lovelife mo ng mga kasama mong doctor lalo na pag trip ka ng mga ito. Naghahalo-halo din lahat ng emotion sa OR, nakakatakot, nakakatuwa, nakakatanga, pero keriboom naman ang lahat kasi andyan naman yung CI mong super cool. Katulad ng DR Cases, kelangan din ng mga nursing students ang OR cases para makapagboard exam. Kaya ang mga dasal nila ay “Sana po ay may operahan” o kaya “Sana po ay may manganak through CS”. Dito mo mafifeel na sarap maging nurse kasi pag walang case, tulog tulog ka lang or laro-laro lang kayo ng charades o talagang may balat lang sa pwet ang kagroup mo. Benign te!  

Emergency Room 

Emergency Room Department ang pinaka-action packed sa lahat ng departments. Nandito ang mga nagiiyakang bata, mga nataga, mga nabangga, mga manganganak na nakalabas na ang ulo at madami pang karumal-dumal na pangyayari. Dito ang mahiwagang tanong ay “Ano po ba nagyari kay kuya/ ate?” at hindi matatawaran ang power ng mga usisero na kung magkwento ay animated na animated. Ganito most commonly ang nangyayari sa ER, tatawag ng volunteer si mam/sir, sabihin ng classmate no.1: “CPR daw, ikaw na <insert classmates name here>” classmate no.2: *kamot ulo* “Hindi ko din alam kung papano!” pero go lang ng go. At pag wala talagang case, malamang may balak talaga sa pwet yang kagroup mo.

Nakakaloka ang special areas at sana natuwa ka sa pag-aalala sa mga experiences mo. Ikaw anong kwentong fibisco mo? :))     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento