Ward. Eto ang department ng hosp na unang pinagdudutyhan ng mga estudyante. Mapa OB, Medical, Surgical o Pedia astig ang pagduduty sa Wards. Masaya dito kung ano ano ang mga naeexperience mo lalo na pag cool ang CI mo at hindi takot mawalan ng lisensya (hihi). Eto ay nahahati sa 3 parts: Morning, Afternoon at Night Shift. Tignan naten kung makakarelate ka sa mga experiences ko.
Morning Shift - Buhay ang lahat ng tao shift
Kakagising lang ng mga pasyente mo, at ikaw, bumaba palang ang kaluluwa mo sa langit (nilipad kasi ang kaluluwa mo dahil sa byahe, bilis ni manong magdrive) kaya super eager kayong magNPI, lahat na napapagkwentuhan nyo pati mga chismis sa kapitbahay at alagang zebra nila. Nakakaloka. At itong kwentuhan niyo nauuwi sa madaming-pagkain-kahit-hindi-makakain-si-patient kaya ang nangyayari eh alok-pagkain-mode si nanay. Tapos madaming bumibisita at lahat sila pag nakita ka, MAGPAPA-BP. :) Maloloka ka din sa Drug Study, sa dami ng gamot ni pt, kelangan na ng plato. At lahat yun kelangan kabisado mo ang action at kung anik anik pa.
Afternoon Shift - Pagod na si pt, ikaw naman ang buhay shift
Yung mga ginagawa sa morning shift medyo ginagawa din, feeling mo nga lang, mas mahaba ang oras. Most of the time, palamig mode ka sa kwarto nila pt lalo na pag private room kasi More-FAN-in-the-Philippines ang drama mo. Minsan mahirap talaga humanap ng problema ng patient, lalo na pag walang problema si pt, ikaw talaga ang mamomoblema. *kamot ulo ka nalang* Dahil parang mahaba ang oras, ang mahiwagang tanong sa kaklase mo ay “Anong oras na ba?” :)
Night Shift - Aswang Mode: ON
Eto ang drama ng mga nursing students pag night shift: Lahat sila tulog, ako din gusto ko matulog, pero hindi pede kasi trabaho daw ito. kaya. tentenentenen. with kampas ng kamay parang power rangers sabay sigaw ng “ASWANG MODE ON”. tapos papahanapin ka pa ng problema, normally, mahirap na humanap ng problema, pero pag night shift ewan ko ba pero sobrang hirap talaga humanap ng problema. Kaya most ng mga nursing students nagiiba ng propesyon. sila’y nagiging DOCTOR. nagdodoktor ng mga subjective data at nagdodoktor ng mga problema. Masaya ito lalo na kapag malawak ang imagination mo dahil nakakausap mo sa utak mo ang pt mong nasa kabilang dimesyon na. At syempre hindi mawalala ang mga kwentong multo sa mga hospital, minsan hindi mo alam kung multo na ba yung katabi mo o kaklase mo pa na natuyuan lang ng dugo kakapuyat. At lahat ng nursing students may sakit nento pagkatapos ng night shifts: HINDI-KO-ALAM-KUNG-ANONG-ARAW-NGAUN SYNDROME.
Mapa morning, afternoon, evening shift mo sa ward mageenjoy ka talaga. Kahit toxic-toxican ang buhay ng isang nurse, masaya pa din, dahil habang ginagamot mo ang panlupang katawan ng mga pasyente nasa pangangalaga mo, hindi mo alam nagagamot din nila ang pagkatao mo. Drama ng lola mo! Hindi ko pinlano maging nurse pero masaya ako sa mga naging experiences ko. :) sana nakarelate ka.
References:
http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2011/06/09/article-2001422-0C6E391700000578-293_964x665.jpg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento