Madami nangyayari kapag madaling araw na. Lalo na sakeng
insomniac at mabaliw baliw na dahil hindi ko alam kung pano ako makakatulog.
Aswang mode palagi. At pag hindi ako makatulog, ako ay… tadaa. KUMAKAIN! Kala
mo kung ano aa. Bad cheetah! Ganito ang dialogue sa bahay naming tuwing madaling
araw:
Bunso: Ate, nagugutom ako, ikaw ba?
Ako: Uhmmmmm. *Tingin sa kaldero kung may kanin* Oo.
Bunso: Ate, magluluto ako, ano gusto mo?
Ako: The ever peborit… HOTDOG! *smile*
Bata palang ako, may hotdog na. May maliit, May malaki, May cheese
sa loob, May wala, May footlong, at may gawa sa totoong aso (echos lang! doglover
ako!). Pero hindi ka ba nagtataka, sa kinatagal-tagal ng pagkain mo ng hotdog,
hindi mo alam kung saan to gawa? Ako Oo. Nagtataka. Teka. Gulo ko. Ah basta,
niresearch ko kung saan gawa ang peborit nating mga bata: ANG HOTDOG.
Ayon sa kumpare kong si Wikipedia ang Ingredients ng hotdog daw
ay:
- Meat trimmings and fat – na pwedeng baboy o baka, depende sa klase ng hotdog na kinakain mo. Meron ding specials na turkey, chicken o vegetarian meat substitutes,
- Flavorings, such as salt, garlic, and paprika – alam ko yung salt at garlic, pero paprika? paprika? kumakain pala ako nun, kala ko pang susyal lang yun ee. :)
- Preservatives (cure) - typically sodium erythorbate and sodium nitrite – ay naloka na ako dito. Parang mimulto ako ng Chemistry ko. Huwaaaag po!
Ayun
naman pala ang ingredients ng Hotdog. See? Walang totoong aso dyan. According
sa pagreresearch ko pa, ang normal na hotdog ay mayroong 148 calories, tapos
may 18 g of fat.
Bongga! Tapos eto pa galing sa livestrong.com “Hot
dogs contain some beneficial nutrients. Pork hot dog has about 9 g. Hot dogs
contain less than 2 g of carbohydrates, no fiber, small amounts of sugar and a
trace amount of iron. All hot dogs all have trace amounts of some B vitamins,
no vitamin C and a small amount of folate. Hot dogs have between 380 and 513 mg
of sodium per serving, making the hot dogs a high sodium choice.” Ayun naintidihan mo? berigud.
Superb! Masarap
na, may nutritional benefits pa! Solb na ang mga bulate ko sa tyan. Haaaayy,
Sarap talaga ng hotdog! Syempre kids LIKE ME can tell!!! Ciao – monike
Image reference:
http://s3-media4.ak.yelpcdn.com/bphoto/DVTWBcIymxJqxU-7722m-Q/l.jpg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento