Martes, Mayo 8, 2012

Ikaw ba ay may SUPERPOWERS?? Meron! :))


Naniniwala ka ba sa superpowers? Naniniwala akong lahat ng tao ay may superpowers lalong lalo na yung mga nasa nag-aaral pa. Napatuyan kong tama ang mga paniniwala ko sa 20 years na nag-aral ako. Tignan natin kung meron kang superpowers gaya ko:

  • Telepathy – ayon sa kaibigan kong si Wikipedia ang telepathy daw ay “Transfer of information on thoughts or feelings between individuals by means other than the five classical senses”. Siguradong sigurado ako nagamit mo na itong superpower na ito habang nageexam ka. Naalala mo na kinakausap mo ang matalino mong kaklasmate sa pamamagitan ng utak na ibigay sayo ang tamang sagot? Uyy naalala nya. Nag-uusap din kayo ng bespren mo sa na gamit ang utak lang, yung tipong tingin palang nya, alam mong hindi din nya alam kung ano yung ineexam nyo, at wala kang mapapala sa kanya. Alam na! 


  • Precognition -  eto yung superpower na nalalaman mo na yung mga future na mangyayari. Maliwanag na maliwanag na nagagamit mo ito pag nageexam kasi kakabigay palang ng exam naisisigaw mo na “Sabi ko na nga ba, Ito ang lalabas ee!!”. At minsan kung ano pa yung naforsee mo na lalabas sa exam yun pa yung hindi mo napag-aralan! Minsan sobrang lakas ng superpower mo na ito kasi nafoforsee mo din na hindi matutuloy ang exam nyo kinabukasan lalo na kung hindi ka nakapag-aral. At hindi nga tuloy ang exam! Cyper Apir! ;)


  • Clairvoyance – ayon ulit kay pareng Wiki ito daw ay “Obtaining information about places or events at remote locations, by means unknown to current science” kung naintidihan mo, paki-explain nga saken, dugo ba naman! Echos lang. Eto daw yung alam mo ang mga nangyayari kahit wala ka sa pinangyarihan. Malakas ang power na ito sa Pilipinas, kasi dito ang balita may pakpak at ang lupa may tenga. Kung ikaw ay estudyante, alam mo na may surprise exam ang teacher mo, kahit hindi nya pa ito nasasabi sa klase! Super ka na talaga! ;)

   
  • Psychokinesis -  Eto yung napapagalaw mo daw yung mga bagay bagay at madalas hindi mo alam. Maniwala ka sakin. Meron ka nito. Sure na sure ako. At ang item na laging na nagagamitan mo ng superpower mo na ito ay ang iyong, tadaa! CELLPHONE. Hindi mo ba naisip kung bakit laging nawawala ang cellphone mo? Lagi mo naman itong hawak. Minsan alam mo nilagay mo sa table na sa kwarto mo, pagbalik mo, wala na si Cellphone at mukhang naglakad magisa sa kabilang kwarto. Psychokinesis yun para hindi halatang makalimutin ka na. Kunwari naniniwala ka saken. ;)


  •  Near-death experiences – eto most commonly mo naeexperience mo kapag GRADED Recitation nyo. Ewan ko ba, pero sa experience ko, nararamdaman ko kapag matatawag ako sa recitation at feeling ko talaga nalalapit na si Kamatayan sa aking upuan. Tumitigil na ang tibok ng puso ko kapag natatawag ang pangalan ko, nawawalan ng dugo ang utak ko at nakikita ko na ang Heaven. Pagkatapos ng recitation parang unti-unting bumabalik ang kaluluwa ko sa katawan ko. Near death experience talaga! ;))


  • Reincarnation – alam mong totoo tong superpower mo dahil naniniwala kang reincarnation ng ni Hitler ang teacher mong terror. Alam mo din na reincarnation ni Einstein ang kaklase mong lagi mong kinokopyahan, mapa-assignment man yan o quiz. Naniniwala ka ding kapag namatay ang pinakakina-iinisan mo sa klase o sa school ay magiging iguana ito sa Amazon. At minsan pag nageexam ka, nararamdaman mo din sinasapian ka ng mga espiritu nila pareng Newton, Webster, at Google. ;)


  • Apparitional experiences - Ito ay naeexperience mo kapag malapit na ang major exams, kasi nakakausap mo na sina Einstein, Jose Rizal at Stephen King at nagkwekwentuhan pa kayo. Minsan kung ano ano na nakikita mo dahil sa malikot mong utak, wag masyado malikot ang utak aba. Madami akong pasyenteng ganyan, nasa Mandaluyong na sila ngaun, sa loob. ;))


Oh ano? Naniniwala ka na saken? Na may superpower ka? Diba diba? Sabi ko sayo eh. 

Ngaun simulan ang pagkakalat ng lagim. Ciao! - monike  

2 komento: