Miyerkules, Mayo 9, 2012

Hidden Lessons sa Nursery Rhymes


Kanina lang may bumili sa tindahan namin ng Chuckie, Nanay at bata. Paborito ko din yung Chuckie noong bata ako, pero hindi ako masyado nakakainom nun dati kasi: 1. Mahal siya at 2. Mahal talaga siya para sa baon ko. Pero alam mo kung ano talaga ang paborito ko nung bata ako? Chuckie? Hindi. Paborito ko yung mga nursery rhymes and nursery songs *smile*. Lumaki ako, na tuwing umaga maririnig mo yung cassette na humihiyaw ng “Puff the magic dragon, live by the sea!” at “Three blind mice, Three blind mice, See how they run, See how they run, sdjhsajkhdfkjashdfkjdhask (hindi ko na alam yung lyrics), Three blind MICE!” Solb. :)

Sabi nila ginawa ang mga nursery rhymes at songs para turuan tayo ng aral. Alam mo bang may mga hidden na aral ang mga nursery rhymes na paborito mo dati? At ipinapractise mo pa ang mga aral na to ngaun. Tignan natin kung tama ako.

Hidden Lessons sa Nursery Rhymes:

1. Insy-Winsy Spider – tinuruan tayo ni Insywinsy Spider na pagkatapos ng ulan ay may Pag-Asa. Nakanang Spidey! Tinuruan din tayo ni super spidey maligo sa ulan at ng never failing motto na “Try and Try until you succeed!”.

2. Jack and Jill – syempre sinabihan tayo ni Jack and Jill na Mag-ingat lalo na pag bumababa ng Hill. Ang hindi mo alam tinuruan din nila tayo ng tumambling pag may problema. Bongga! At si Jack and Jill din ang patron ng mga batang gusto ng maagang lovelife. Para san nga naman si Jack kung walang Jill, and vice versa? Diba? ;)

3. Little Teapot – Nag-away pa kami ng kaibigan ko sa nursery rhyme na to. Itatago ko nalang ang pangalan niya baka abangan ako sa kanto namin ee, and-it-goes-like-this:


Kaibigan 1: “I’m a little teapot, short and spout!”
Ako: “STOUT!”
Kaibigan 1: (with much conviction) “I’m a little teapot, short and SPOUT!”    
Kaibigan 2 at Ako: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Back to the lesson, syempre tinuruan tayo ng teapot ng… parts ng teapot (wala akong maisip na iba ee). Tinuruan din nya tayo kung pano unang kiligin sa pwet (naalala mo yung actions?), at special lesson mula sa kaibigan ko, na makinig sa tamang lyrics habang bata pa. :)

4. Ten little Indian – Tinuruan tayo ng ten little Indian na unang magbilang… ng mga nangIIndian. Kung may kaibigan kang laging nagiiwan sa ere, baka idol niya ang Ten little Indian Boys. Rock on!

5. Humpy Dumpy - Tinuruan tayo ni Pareng Humpy na tumulong sa mga Nangangailangan. At tinuruan din niya tayong huwag masyado magpataba, kasi hangang ngaun naniniwala akong mataba lang si humpydumpy at niloloko lang ako ng teacher ko nung sinabi nyang Itlog daw si Parekoy, Mag-exercise at Magmaintain ng tamang timbang para naman all the king’s horses and all the king’s men can put YOU back together again. :)






6. Leron Leron Sinta – dito ko nalaman na may Buko ang Papaya. may Buko. ang Papaya. Labo! Pero ang totoong lesson ay mag-ingat daw sa pag-akyat ng puno (diba pareng Bino? Listen.), at kapag malabo na ang usapan ay tadaaa, HUMANAP NG IBA! Siguro motto to ng Ex ko, whatdayathink? haha :)

And last but not the least.    

7. Si Nena – alam mo yung kantang “Si Nena ay Bata pa, kaya ang sabi nya ay ‘Uh, Uh, Uh, Ah, Ah!’”. Hindi? Nako. You missed half your life! Isa yan sa mga popular songs nung bata ako. Mas sikat pa sa LadyGaga Songs ngaun. At ito ang nagturo saken ng lessons na Innocence at Life Cycle ng Tao. At syempre hindi matatawaran ang impluwensya saken ni Nena na sa bawat stage ng buhay mo ay masasabi mo ang ‘Uh, Uh, Uh, Ah, Ah!’. Ulitin naten ‘Uh, Uh, Uh, Ah, Ah!’. Ayan nasabi mo na, balik ka nalang ulet pag next stage na ng buhay mo. *wink*

Sabi nila ginawa ang mga nursery rhymes at songs para turuan tayo ng aral, at madami nga ako natutunan bukod sa obvious na sinasabi ng mga nursery rhymes. Masayang balikan ang mga araw kung saan walang ibang problema kundi ang pagpili ng crayolang ikukulay mo sa buntot ng kabayo. Nag-enjoy ka? Ako din. Sige mga bata, till next time! Ciao. – monike 

Images References:




2 komento:

  1. Nyahaha! 10 lil indians at leron sinta lang alam ko.! :(( yung jack and jill hindi ko memorize nyahaha. Love the buko ang papaya part.. XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Natutuwa ako sa mga comment mo kambal :). Ipagpatuloy mo yan, ano ka ba? Dapat alam mo yan kambal, tuturo mo yan sa mga pasyente mong pedia :)

      Burahin