Naisip ko, taghirap nanaman ako sa pera. Dati nung may work ako, tuwing 15 at 30, iniisip ko na kung ano ang bibilhin ko, or sino ang ililibre ko. Pero ngaun, wala akong trabaho = wala akong pera. Nakakahiya naman humingi sa mga magulang ko ng panlabas-labas ko (oo dadating ka din sa kalagayan ko!). Pero ayoko magtrabaho, may gagawin ako sa buhay. (Di ko pa nga lang alam kung ano, Echos lang J). Kaya naman naisip ko pano kaya kung magkaroon ako ng 1 billion, tapos kaylangan kong gastusin sa isang araw lang. hihihi. Yemen ke nemen. Ano bibilhin mo? ako eto: (Top 3 lang –baka isang manila paper pag sinulat ko lahat ee. kkkkk~ )
1. Franchise ng Jolibee – Matagal ko na to pangarap. As in 6 years old palang ata ako, pangarap kong magkaroon ng jolibee sa ilalim ng bahay namin. Para everday bee happy, hindi ko na kailangan magantay ng sabado, pati na rin ng lingo. Gusto ko yung magigising ako sa amoy ng nilulutong burger at chicken joy. haaaaaayy sarap :)
2. Ducati 848 evo – Gusto ko nento kasi… gusto ko (bakit ba? walang basagan ng trip sa buhay). Tulad ng gusto mong iPhone4s (na wala ako), MacAir (na wala din ako), DSLR (na wala din ako) at Lamborghini (na lalong wala ako). Nangangarap ako ng Ducati 848 evo. Mukang masarap sakyan kahit na naniniwala akong prone sa accidents ang mga motor. Minsan lang naman ako mangarap. Lulubos lubusin ko na :)
3. Charity House para sa mga Special Children – gusto ko tumulong sa mga special children cause they have a special place in my heart (kasi special child din ako!). Nung nasa school pa ako, nagkapagserve kami sa mga abandoned special children L, nakakaloka yun, masayang masaya makipaglaro sa mga special children. Sobrang nakakapagod pero pag nakita mo sila masayang-masaya at hahalikan ka pala ng puro lawaylaway nakakawala talaga ng pagod. Nakakadurog ng puso kasi may kapansanan na nga sila, iniwan pa sila ng mga magulang nila. Sila ang dahilan kung bakit bawal akong maging ungrateful at malungkot. Emo teh?! :)
Hayyy sarap mangarap. Sana may 1 billion ako tulad ni Bruno Mars. Ikaw anong gagawin mo pag may 1 billion ka? sagot ka naman. gusto ko malaman. Ciao! - monike :))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento