Biyernes, Mayo 4, 2012

May MAGIC ang BUHAY.


Nanaginip ako kanina. Nanunood daw ako ng Magic show. Madaming taong nanunood kasama ko. Ang magic trick na pinapakita ay yung lalagyan ng gatas yung isang pitsel, tapos lalagyan ng tela yung pitsel, babaliktarin, tapos KABOOM! WALA NG LAMAN. kahit anong gawin mo, hindi na babalik ang gatas. At dahil panaginip ko yun, tinawag daw ako bilang tagapagmasid. Nilagyan ng lalaki ng gatas yung pitsel, binaligtad, WALA NA YUNG GATAS. hindi ko alam kung saan nya nilalagay ang gatas. May butas ba ang pitsel? May hose? Ininom ba ni kuya yung gatas habang hindi ako nakatingin? Alam kong niloloko niya lang ako, Inuuto. At NAGPAPAUTO AKO, pero dahil don masaya ko kasi napapaniwala niya akong may MAGIC! Hinuhuli ko si kuya, hinahanap ko kung saan pumupunta ang gatas. Wala talaga. Hindi ko makita. At dahil daw madaming hindi naniniwalang may magic, sabi ng mga tao, iba daw ang ilagay sa pitsel. kung ano ano ang nilagay sa pitsel, at may clay, lapis, at kung ano ano pa (meron pa ngang nagalok na ilagay ang fire extinguisher sa loob ng pitsel!), binaliktad, NAWALA LAHAT! alam kong may butas ang pitsel, pero saan? hindi ko talaga makita. tapos nagising na ako. wala ng magic, wala ng panaginip. 
Noong bata ako, mahilig ako sa Magic. Lagi ako nauuto ng mga kapitbahay naming mahilig mag-uto. Lalo na ng kuya kong lagi akong pinatitripan. Noong bata ako, pag sinabing MAGIC, MAGIC TALAGA, walang pagdududa, walang pagtataka, MAGIC YUN EE. Ngayong hindi na ako masyadong bata pero kid at heart pa din. Pag sinabing magic alam kong naguuto lang ang magikero ito. Pinaglalaruan ang mata ko, utak ko, at pagiisip ko. Magaling magaling magaling. Pero hindi na ako naniniwala na may magic. Magic Sarap nalang ang magic :))
Nakakatuwang isipin na habang tumatanda tayo, marami tayong nilalaglag na paniniwala. Mga simpleng bagay, na kaya kumukulog ay dahil nagagalit si PAPA GOD, na kapag umuulan at umaaraw ay may kinakasal na tikbalang, na sa ilalim ng kama natin ay may mga monsters, at higit sa lahat may MAGIC SA ATING MGA BUHAY.
Hindi natin kailangan maging bata ulit upang maniwala ulit sa magic. at may magic pa rin sa buhay natin, iba na nga lang tawag natin, tawag na natin dito ngaun, BLESSINGS. Kakaiba na dating MAGIC ngaun ay BLESSING na. Para nga naman hindi na masyadong pambata. Pag may kakaibang nangyari saten. sinasabi nateng, blessing ito. 
Pero ako, gusto ko pa din maniwala sa MAGIC, may ibang spark pa din kasi. Parang may fireworks pag sinabing MAGIC. Naniniwala ako, parang bata, may MAGIC. Bakit? bata pa naman ako aa. bata ako forever :)) 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento