Biyernes, Mayo 11, 2012

Hey Mama! Happy Mother’s Day :))


*Based on a true stories* (Warning: Baka ma-cheesyhan lang kayo, cheesy ako ngaun ee!)
Dahil malapit na ang mother’s day, naisip ko tuloy ang nanay ko. Halangan naman tatay ko diba? *Cyber batok Monike* Pero Seriously, Lablab ko talaga ng super bonggang bongga ang nanay ko. Kasi andami dami nya alam, kung hindi siguro sya full-time mother at part-time businesswoman siguro eto ang mga naging trabaho nya: 
Chef
Naging chef na ang nanay ko kasi nakakaimbento siya ng kung ano-anong recipes at inperness kay madir… MASARAP sya ha? Recommended! Ako:*tumikim ng ulam sa lamesa* “Mama, sarap nito ahh, Anong Luto to?Mama: “Uhmmm, Chicken…ala Mama” *Smile*. Ako: *tumbling* “Yamyamyam!”. Eto lang naman ang masasabi ko sa inyo, kapag nagluto si inay ay purihin ito, kasi win-win situation yan. Tataba na ang puso ng mama mo, mabubusog ka pa palagi, kasi gaganahan siya magluto palagi baka mapalitan niya pa si Chef Boy Logro! Yamyamyam! :)
Fashion Consultant
Naging fashion consultant na siguro ang nanay ko, pero ginagawa pa din naman nya yan, PALAGI. Ako: “Ma, Ok ba tong suot ko?” Mama: “Panget, mas bagay sayo yung pink”. Kahit ayaw mo magpalit at feel na feel mo ang suot mong damit, malakas ang opinion ng nanay mo according sa fashion sense nya, tropa kaya niya si Tyra Banks at Heidi Klum. Maniwala ka saken! :)
Guidance Counselor
Lahat ata ng nanay o magulang takbuhan ng mga anak na naguguluhan sa buhay. Ako:“Ma, anong kukunin ko sa college, gusto ko maging Engineer!”Mama: “Ikaw, pero kung ako sayo, magNunursing ako”. Oo, isa ako sa mga anak na napasahan ng pangarap ng mga magulang. Pangarap ng nanay kong maging nurse at ako ang tumupad niyon para sa kanya. Masaya na din ako kahit gusto ko talagang maging Engineer, sana. Pero iba ang saya nya nung matupad ko ang pangarap nya. Sarap! Kaya mga babies kong abo palang sa langit, magiging engineer kayo. hihihi. :)
Doctor
Nanay ko ang no.1 na doctor para saken. Kahit Registard Nars ako, sa kanya pa rin ako nagatatanong kung anong magandang gamot na inumin.Ako: “Ma, ansaket ng ulo ko” Mama: “Naku, uminom ka na ng Biogesic”. Minsan kahit sa lahat ng gamot, Biogesic lang ang alam ng nanay ko, iniinom ko pa din. Wala man syang Physician’s License, matindi naman ang years of experience nya pagdating sa pagrereseta ng gamot. Minsan nga naisip ko, baka may ibang napainom saken ang nanay ko, anak mo ba naman ay baliw-baliw lang teh? :)
Talk Show Host
Fact: May tindahan kami. Another Fact: Pag may tindahan kayo madaming bumili. Bonggang Fact: At pag may tindahan kayo at madaming bumibili, hindi mawawala ang CHISMISAN :)) Masaya sa tindahan namin kasi madaming chismis na nasasagap. Alam lahat ang mga nangyayari sa baranggay at walang pakialam sa kung magkakaworldwar3 na dahil sa China. Kung gagawan nga ng Sunday show to siguro talkshow host ang nanay ko, ala face-to-face at the buzz. :)
Hindi ako makikipag-argue sa inyo kung kanino ang the best na Ina dahil sabi nga sa Coke Commercial “Lahat ng Ina, THE BEST”. Pero ilalaban ko sa Super Cool Awards ang nanay ko! Thank you ma, sa lahat-lahat. I love you so so so much! Sana may BLOG ka din, Para Ifofollow kita :) Ciao! ~ Monike

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento