Linggo, Mayo 6, 2012

Tips Mula sa Katulad Mong Gustong Maging Doctor


“Libre mangarap”, yan ang isa sa mga kasabihang Pinoy. At sabi nila kung mangangarap ka daw, dapat yung bonggang bongga na talaga kasi yun nalang ang libre sa mundo. Kaya naman ako, kapag mangarap, ay parang libreng fishball, nilulubos-lubos ko talaga. At ang isa sa mga pangarap ko ay ang maging Doctor – Para tulungan ang kapwa, Chaching! (minsan naisip ko ding maging “kapwa”, para tibatiba!). Sa pagtupad ng pangarap ko, hindi ko alam, madami palang steps at isa dito ang pagtake ng NMAT.

Ang  NMAT ay isa sa mga kailangan upang matangap sa mga limitadong Medical Schools dito sa Pilipinas at binibigay ito ng CEM. Ang alam ko dalawang beses lang sila magbigay ng exam: March or April at December at nitong ngang March 2012 ay kumuha ako ng exam. Dalawang parts ang NMAT isang Aptitude test parang IQ test (Verbal, Quantitative, Inductive Reasoning, Perceptual Acuity) at ang pangalawa ay Special Area (Biology, Physics, Chemistry, Social Science).  50 items bawat subset kaya 200 bawat Part at 400 items lahat-lahat (tama ba? inaamag na ang math ko e).  Gusto ko lang ishare ang mga konting tips para sa mga future na magtetake ng NMAT.

Tips ko para sa mga future Doctors:

Tip 1: Huwag ka na magreview sa mga review centers, Pero kung mayaman ka at may pang gastos, go ahead!  Madami sa mga nakausap ko na nagtake ng NMAT ay sinasabi na mas maganda ang self review sa NMAT. Kailangan lang ng ibayong tiyaga at pagpukpok sa sarili kapag ayaw mong magreview. Isipin mo ang iyong mga “kapwa”. J

Tip 2: Mas maganda kung may kasama kang magtatake ng NMAT para masaya. Nakakatuwa kung may kaibigan kang kasama mong magtetake para naman may motivator ka pag hindi mo na mamotivate ang sarili mo. Masaya din ang group study kasi mas naiintidihan mo yung mga ibang items na  hindi mo alam at may reason kang magovernight sa bahay ng kaibigan mo. ;)

Tip 3: Try mo reviewhin ang mga High School books mo. Oo alam kong inaamag na ang mga HS na libro mo pero kailangan halukayin ito sa baul. Yung test 2 sa NMAT mo ay ukol sa Biology, Chemistry at Physics. Mas maganda kung HS Books mo ang aaralin mo (kahit hindi mo sila naintidihan noong highschool) kasi medyo may pagkaspecific ang mga tanong at sa HS books mo yun makukuha.

Tip 4: Kapag nagregister ka sa CEM (P.S. Online ang registration ng CEM) pwede mong idownload ang sample questions nila at iprint ito. Ganitong-ganito ang format ng exam mo , kaya ang super tip ko, ay pagpractisang maigi kung paano sasagutin ang mga questions. Try mo din orasan yung sarili mo kapag  nageexam makakatulong ito ng mabuti sa iyo.

Tip 5: Mas maging focused sa Part 1,(ito ay supertip ko lamang), bakit? kasi yung test 1, parang IQ test lang, hindi kailangan ng memorization. Tapos iba-iba naman kayo ng HS na pinasukan kaya malamang hindi parepareho ang pinagaralan nyo sa Part 2. Wala lang naisip ko lang yun.  Kailangan mo lang talaga maniwala sa powers ng STOCK knowledge mo! J

Tip 6: Unahin ang madadaling subjects bago mahihirap na subjects. Isipin mo nalang, parang padamihan sya ng tamang sagot at may time limit ka, kaya sagutan mo ang alam mo, at balikan ang mga questions na parang galing sa ibang planeta. Ganito yung ginawa ko, sa Part 1, ang inuna ko, yung perceptual acuity at inductive reasoning kasi madali lang siya para saken, tapos quantitative kasi medyo mahirap sya tapos bago yung verbal kasi medyo mahaba siya (sayang oras). Ganon din sa Part 2, inuna ko yung madali, bago yung mahirap. Kung para sayo lahat mahirap, teka, simulan na natin...”Ama namin sumasalanngit ka…” ;)

Tip 7: Wala na akong maisip na tip before ng exam pero during ng exam, maaga pumunta sa venue at magdala na ng packed lunch. Maaga sa venue kasi baka maligaw ka katulad ko at para makapagrelax relax ka pa. Packed lunch kasi mahaba ang pila sa mga restaurants o fastfood pag lunch tsaka nakakagutom ang exam. Pramis. Pati utak ng bulate mo sa tyan gusto mo ng gamitin ;)

Tip 8: Magdasal. Humingi ng tulong sa Nagbibigay ng lahat ng katalinuhan. Naniniwala akong ang pagdadasal ay nakakabigay ng malakas na Powers. Kasama mo si Lord sa pagtupad ng mga pangarap mo sa buhay kaya naman walang masama kung magdadasal ka para iguide ang lapis mo sa pagpili ng tamang sagot at minsan umiilaw pa ang tamang sagot, ang galing ni Lord! :)


Ang mga nabanggit ay pawang mga tips ko lamang para sa mga susunod na mangagamot ng ating bansa. Hindi ako affiliated sa CEM na nagbibigay ng exam. Ito ay mga tips mula sa katulad mong gusto rin maging doctor na nakakuha na ng NMAT exam. Goodluck! Kayang kaya mo yan. Magcomment ka kapag nakuha mo na yung results ha? ;) 

6 (na) komento:

  1. wow, ang lupit talaga ni idol! Ginawa niya raw ito para sakin. thank you kambal!! :)))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha, syempre dahil kukuha ka ulit ng NMAT sa december, gamitin ang super tips ko, goodluck kambal :))

      Burahin
  2. Monike Kamuke...ang gagamitin ko na lang ay ang sinimulan mo.."Ama Namin sumasalangit ka"..hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mabuti mabuti. :)) pero epektib yang tips ko, pramis :))

      Burahin
  3. galing, salamat :)

    TumugonBurahin