Nagbike ako kanina at masasabi kong isa iyon sa mga paborito
kong gawin sa buhay. *Patugtug ang Drive
by Incubus* May pasak na earphones ang tenga, tumutugtog ang paborito mo
kanta, Malakas ang hanging dumadampi sa mukha, paa mong nagpepedal sa mekanikal
na metal, mga taong tumatabi kapag dumadaan ka at adrenaline rush kapag
hinahabol ka ng aso. (:
Naalala ko yung una kong bike. Green ang kulay niya. At BMX
ang tatak (BMX = Ferrari ng bike). Cool. Lalong cool kasi may dalawang extrang
gulong sa likod. Four wheel drive. Super Cool talaga. Ang yabang yabang ko pa
magdrive non. One hand. No hands. Keribels.
Di naglaon tinangal yung training wheels ko. Ilang beses ako
bumagsak. Nagkagasgas. Nagkasugat. Sumemplang. Pero dahil don Natuto akong
magbike. Magbike ng totoo. Mas masarap. Mas cool.
Hangang lumiit na yung bike, hindi na kasya yung tuhod ko.
Mountain bike naman. Eto lang naman ang masasabi ko, mas masarap magdrive ng
mountain bike kasi para kang nasa… mountain (Toinks). Antaas ba naman. Kaloka
lang. At dahil mahilig ako magbike, lagi akong nauutusang bumili kung
saan-saan. Ok lang kasi nageenjoy ako. (:
Ngaun ang gamit ko? DUCATI SUPERBIKE 848 EVO. Mas Mabilis.
Mas Cool
Echos lang. Wala akong ganyan. Pero pangarap ko yan. Kaya
Daddy Bill Gates, kung nababasa mo to? Gusto ko nyan. hihihi. (:
Masarap magbike. Tulad ng buhay. Nagkakagasgas. Nagkakasugat. Sumesemplang. Bumabagsak. Bago ka matuto. Matuto ng totoo. At pagkaya mo na, mageevolve naman ang bike mo. Another challenge. Another learning. Masarap magbike pero mas masarap mabuhay (:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento