Isa ako sa mga tao na natural na curious sa mundo. Noong
bata ako natutulig saken ang mga magulang ko dahil sa kakatanong ko. At ang
motto ko sa buhay ay i-TRY ang lahat: (huwag lang yung mga extreme ha? tulad ng
drugs. tambucho pede pa). Kaya naman kagabi sa sobrang pagka-curious ko,
napagtripan ko ang laman ng ref namin at ang unang-unang kong nakita? ALAK.
Hindi ako astig, Hindi ako cool, kaya naman hindi pa ako
nalalasing sa tanang buhay ko. Kung ang mga ka-age ko ay marunong ng gumawa ng
tao, kung ikokompara sa kanila, baka mga 3 years old lang ako ganun (uyy
batang-bata!). Kaya naman naisip ko na inumin ang alak sa ref para maramdaman
ang feeling ng pagiging cool at astig. At eto ang mga realizations ko:
Top Reasons Bakit Masarap Uminom:
- Para kang nasa Heaven – Lahat umiikot, lahat gumagalaw. Para kang nagtime-space-warp papuntang Mercury kasi ambilis ng ikot ng mundo mo. Feeling mo nasa Heaven ka kasi parang lumulutang. Lumulutang ang kaluluwa mo. Astiggggg!
- Nagiging madaldal ka – depende siguro to sa tao pero saken para akong sinapian ng kung anong espiritu at ang kawawang biktima ay bespren ko. Natuwa ang bespren ko kasi natadtad sya ng messages habang nasa work siya (callcenter kasi sya nagwowork) as in 30 messages ang nasend ko sa kanya. Nasabi ko na ang mga problema ko sa buhay pati ang problema ng kapitbahay namin at ng mga tropa kong sina Einstein at Newton. Tuwang-tuwa ang bespren ko saken kasi para daw akong baliw (bakit bespren, hindi pa ba?), muntik na daw sumabog yung phone nya. Cool!
- Nagiging Manhid ka – Eto ang supercool talaga. Nagmanhid ang mukha ko. Tapos hindi ko maramdaman yung mga kamay ko at paa ko. Date nagyari na ata saken to nung nakausap ko si Johnny Depp, echos lang, hindi pa nangyayari saken to kaya naman masaya ako sa experience na to. Manhid ka sa lahat, manhid ka sa nararamdaman mo, sa mundo, sa sarili mo. Drama ng Lola mo teh! Tagay pa pare!
At syempre may other side
of the story: Tadaaa.
Top Reasons Bakit HINDI Masarap Uminom:
- Aftermath ng Kadaldalan mo – at syempre dahil sa kadaldalan mo lahat sinasabi mo ng hindi nagiisip. Hindi na pwedeng bawiin. Kaya ang payo ko lang naman ay kelangan mong piliin kung sino ang magiging kainuman mo para maiintindihan nila ang mga pinagsasabi mo. Kahit ALIEN language na ;)
- Masakit ang ulo mo after - sabi sa nabasa ko dati, nakakamatay daw ng 1000 neurons ang isang baso ng alak (nakalimutan ko na kung saan ko to nabasa basta kunwari naniniwala ka.) Pero may billions ka namang neurons. Eto lang naman ang theory ko dyan, siguro nung namatay yung 1000 na neurons mo, naglamay at ng coffee party pa yung iba kaya stop ang production ng utak mo. Waley lang.
- Magsusuka ka – yun lang bow.
Sa lahat ng bagay may good side at bad side kaya iweigh muna
ang mga bagay-bagay lalong lalo na sa paginom ng alak. At mga bata, don’t try
this at home. Pawang mga Propesyunal lamang po ang gumagawa. Propesyunal na
Curious – monike
Images references:
http://2.bp.blogspot.com/_iE1AbmWs1Dl8/StwIvpwZu7I/AAAAAAAABSA/br3qr1BWI9Y/s320/The+BaR+Apple+Vodka+Product+Shot.jpg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento