Malapit nanaman ang nursing board exam at madami-dami din akong mga kaibigan na magtetake ng nursing board exams ngaun (nginig!). Nung ako nagtake, naghalu-halo na ang lahat: takot na bumagsak, low-selfesteem, parang wala akong pinag-aralan sa BUONG college life ko, saya sa review, katuwaan ng barkada, sana-bukas-na-ang-board-exam feeling at walang hangang panalangin kay Lord God na pumasa ako. Masaya ang magreview, feeling mo lahat ng billions ng neurons mo kelangan magtrabaho. Keriboom-keriboom. Nakayanan nga namin, Ikaw pa kaya? Kayang kaya mo yan. Pero may tips KAMI para sa inyo (yes, kami, kasi kasama ang mga kaibigan ko sa paggawa ng blog na to). Eto na: (Playing Symphony No.9 ~ Beethoven)
Tip 1: Mag-aral ng mabuti. Hindi ko sinabing aralin mo ang lahat. Basta kung ano ang inaaral mo ngaun, Aralin mo ng MABUTI mapa pedia, medsurg, ob, laws, management, psych, o walang kamatayang RESEARCH pa yan, dapat walang peboritism. Wala kang madudukot kung wala kang isusuksok. Kaya para may madukot sa iyong “STOCK” knowledge, kailangan mong mag-aral. mag-aral ng MABUTI. bow.
Tip 2: Wag mo isipin na kaya mong aralin ang LAHAT. Pwera nalang kung tropa mo si Brunner at Suddarth. Cge gorabels lang! Pero sa mga normal lang na tao gaya ko, hindi kailangan LAHAT alam mo. Parang pagkain lang yan pag fiesta, lahat dapat TIKMAN mo, pero hindi mo kailangan ubusin lahat ng handa (Pwera nalang kung sa bahay nyo ang handaan!). :)
Tip 3: Mag-aim na mag-Top sa Boards. Walang masamang mangarap, yan na nga lang ang libre. At kapag mangarap ka dapat lubos-lubusin mo na, na parang libreng pisbol! “Always aim for the STARS, even if you miss, you’ll land in the MOON”. Mag-aim na magtop kasi kung hindi ka man maging top ang pinakamababang babagsakan mo ay MAKAKAPASA ka, eh kung magaaim kang pumasa LANG, baka sa taniman ng talbos ng kamote ka bumagsak.
Tip 4: Kung hindi mo alam ang sagot sa no.1. Ok lang yan. Wag ka muna umiyak. Pag no.2, hindi pa din, ok pa din. Pag no.3, hindi parin mahalukay, Isipin mo nalang yung katabi mo, hindi rin nya alam ang sagot. hihihi. Pag no. 4, wala pa din, teka simulan natin “Hail Mary…”. Pero seryoso, sa unang exam ata pang no.17 na ata bago ako nakasagot na sure na sure ako na tama ang sagot ko. At isa lang yun sa buong exam. HAHAHA. Wag mag-aalala may kasama ka. :)
Tip 5: Kung hindi mo talaga alam ang sagot sa isang no., try mo muna magskip. Kung binalikan mo na tas ayaw pa din umilaw ng tamang sagot, try mo ang matagal mo na ginagamit. Dasal, hindi. Mangopya? hindi. Kodigo? hindi. Eenie Minie Maynimow? SAPUL! :)
Tip 6: Ihanda ang sarili sa lahat. Parang boy scout, dapat lagi kang prepared! Ihanda ang monggol #2, tasahang mabuti, matulog ng maaga, jumebs at umihi bago ng exam at CONFIDENCE is key to success lagi ang motto. Wag kang kakabahan, relax lang. Breathe in Breathe out lagi. Isipin mong 4 years ka nagaral para dyan at kapareho lang yan ng mga naging exam mo na sa school.
at lastly…
Tip 7: MAGDASAL. Humingi ng tulong sa Nagbibigay ng lahat ng katalinuhan. Naniniwala akong ang pagdadasal ay nakakabigay ng malakas na Powers. Kasama mo si Lord sa pagtupad ng mga pangarap mo sa buhay kaya naman walang masama kung magdadasal ka para iguide ang lapis mo sa pagpili ng tamang sagot at minsan umiilaw pa ang tamang sagot, ang galing ni Lord! :) (galing to sa tips ko sa pagtake ng nmat!)
“Anyone can give up, it’s the easiest thing in the world to do. But to hold it together when everyone else would understand if you fell apart, that’s true strength.” Mahirap ang NLE, sobrang hirap. Bawal ang gumive up! Oo, mas mahirap ang lumaban. Pero gorabels lang. Kayang kaya mo yan. Kaya nga namin ee. At pang 700k na nars na ako ng Pilipinas! Laban lang kapatid! :) *Freude, schöner Götterfunken, Tochter aus Elysium, Freude, schöner Götterfunken, Götterfunken!* TUGSHUNG TUGSHUNG!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento