Lunes, Mayo 21, 2012

Baliw ka ba? Weh hindi nga? :)))


Baliw ka ba? Adik ka ba? madalas yan tinatanong sayo ng loka-loka mong kaibigan. Maaring natatawa ka lang kapag tinatanong niya yan sayo at malamang ay may kasamang batok sa kaibigan mong nagtanong. Pero, malay mo, baliw ka nga? hindi mo lang alam. Sabi ni nga ni Pareng Albert Einstein “A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?”. Tignan natin kung naging baliw ka nga once-upon-a-time:

Paranoid  - Natanong mo na ba sa kaibigan mo kung may naririnig syang masama about sayo? o may narinig siyang sinabi ng ibang tao (maganda man o hindi) about sayo. Lagi mong iniisip kung ano ang nalang ang iisipin ng ibang tao tungkol sayo. Minsan naman sumakay ka sa jeep at feeling mo talaga yung katapat mong lalaki ay maya-maya lang sisigaw na ng HOLDAP! Minsan pa, naglalakad ka na pauwi tapos madilim tapos lahat ng kasalubong mo feeling mo rapist o kaya holdaper kaya hinahanda mo na lahat ng deadly weapon sa bag mo at napapabilis na din ang paglalakad mo. Teka lang teh relax relax din, BP mo. ((:

Schizoid – May time din sa buhay mo na parang may sarili kang mundo. May pagka-autistic lang ang trip mo sa buhay. Kinakausap lang ang mga halaman, hayop at higit sa lahat ang hangin. Masaya ito dahil kakakausap mo sa kanila, parang sumasagot na din sila (uyy, narinig mo yun? Shet). Minsan naririnig din ito ng mga kasama mo sa bahay, kasi minsan napapalakas ang pagkausap mo sa sarili. At pag tinanong ka nila ng “Ano?” nasasabi mo ay “Walaaaa, ang ganda mo, bingi ka lang..” palusot kunwari. :)

Anti-Social – Eto yung mga part ng buhay mo na ayaw mong kumausap sa kahit ano. Mapa-tao, hayop, bagay, sarili, o alien mong kapitbahay. Kailangan ng katahimikan dahil maglilista ka ng “NOISY”. Magkukulong sa kwarto, papatugtog ng music (MALAKAS), at magpapramis sa sarili na hindi na magpapakita muli sa outside world ngunit mabebreak mo naman ang pramis mo pag tinawag ka na ng nanay mo upang kumain. Wala lang, trip mo lang magemote kasi walang “nakakaintindi” sayo. Minsan kahit sarili mo hindi mo maintindihan. Anlabo mo. Eto blade. Echos! Wholesome tayo! J

Borderline – Eto yung sobrang hyper ang feeling mo na lahat gusto mong gawin na parang nakadroga. YOLO ang peg mo sa buhay. Gusto mong magskydive sa Taal, magparasailing sa Bora, magrapel sa Banawe at magswimming sa dagat ng basura (kuuu!). Lahat gusto mo gawin! Hyperactivity is the best policy ang motto mo sa buhay. Minsan enjoy, minsan gusto mo batukan ang sarili mo kung bakit mo naisip yun, Pero wala ka magawa kasi adrenaline hormones mo ang nagdiktang gawin mo yun. :)

Histrionic -  Eto yung time na naging masyado kang vain. Picture don, Picture dito. Minsan pare-pareho lang naman ang angulo, hindi nagbago ang itsura, pero picture pa din ng picture. Eto rin yung mga times na gusto mo ikaw ang center of attention at madalas nakikita ito sa iyong pananamit. Minsan trip mo yung damit na kakaiba, cool at astig kasi gusto mong tinitignan ka ng ibang tao. Ala-Lady Gaga ang dating. Ganda mo teh!

Dependent – Eto yung mga times na nagiging dependent ka sa mga decision mo sa buhay. Yung tipong tatanong ka ng kaklase mo “Papasok ka ba?” ang sagot mo ee, “Papasok ako kung papasok ka”. Kaboom! Ayaw mo din ang nagtetake ng responsibility kaya naman kapag nagtanong si teacher kung sino ang magvovolunteer dali-dali mong tinuturo ang katabi mo sa upuan, minsan isisigaw mo pa ang pangalan ng nasabing kawawang kaklase (malas lang friend!). :)

Obsessive Compulsive (OC-OC) – Naalala mo nung pumunta ka ng SM tapos pagtatapak ka sa tiles, kailangan yung paa mo hindi sasagi sa lines? kailangan nasa gitna siya ng tiles kasi… kasi… OC-OC ka! Minsan nasapian ka na din ng masamang espiritu at nilinis mo ang kwarto mo.. ng Bonggang Bonggang. Bawal ang dumi. Bawal ang kalat. Bawal pumasok ang nakababata mong kapatid (Chaching!). Pati yung apo ng germs na napatay mo na gusto mo din huntingin. Pagkatapos mo, ang linis linis ng kwarto mo, at mauulit ang pagsapi ng espiritung ito sa next life mo na. :))))   

Nga pala PERSONALITY DISORDERS yang mga title na yan. Baka sabihin mo nagjojoke lang ako ee. Kahit isearch mo pa. Nangyari na ba ang iyan o ang mga iyan sa buhay mo? Hala. Mag-ingat-ingat. Sabi nga ng Exboyfriend kong si Rob Thomas, “I’m not crazy, I’m just a little unwell”. Baka UNWELL ka lang din. Dibale balita ko, madami pa naman daw rooms sa Mental sa Mandaluyong. Chos! Normal ka pa naman. Kaso wag lang masobrahan ha? kundi nakooo. Baka maging roommates tayo dito sa Loob. Hahaha. Ciao! ~ monike ((: 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento