Linggo, Mayo 6, 2012

Basta Jeepney Driver, Sweet Lover ;))


Jeepney ang main public transportation ng mga tao sa Pilipinas. Abnormal ka pag hindi ka pa nakasakay ng jeepney sa tanang buhay mo. Sa 20 years na sumasakay ako ng jeepney, iba’t-ibang jeepney na ang nasakyan ko, masasabi kong may pagkakahawig ang mga jeepney drivers sa isa’t-isa. Tignan natin kung naransan mo na sumakay sa iba’t-ibang klase ng manong jeepney:

1. Manong Tipikal – Typical Jeepney Driver. Pag nagbayad ka, magtatanong si Manong ng mahiwagang question-and-answer portion na “Saan to?” at sasagot ka ng “Dyan lang po sa <insert place here>.” Susuklian ka ni Manong, ibibigay niya ito sa taong pinakamalapit sa kanya, pagpapasa-pasahan ito at makukuha mo ang sukli. At lahat kayo ay mananahimik na parang nagdadasal. End of story. Sila Manong Tipikal ang karamihan sa mga manong jeepney na nasakyan mo na, tahimik lang, at nakatuon sa daanan at pagsusukli ng tama ang atensyon. Idol! ;) 

2. Manong Mr.Congeniality - Si manong ay super friendly na pedeng bigyan ng Mr.Congeniality award. Lahat ay kinakausap niya lalong-lalo na kapag maganda at bata ang katabi nya sa unahan ng jeep. Minsan naman may naisasakay siya na kapitbahay o kaya naman ay kakilala at magkwekwentuhan na sila ng mga kumakalat na chismis sa baranggay. Kilalang-kilala si Manong Mr.Congeniality lalo na ng mga “katropa” sa federasyon dahil lahat ng jeep na kakilala niya at nakakasalubong sa daan ay pinipitpitan niya. Kung hindi siguro jeepney driver si manong siguro politko ang peg nya! bongga.

3. Manong Anti-Social – Kung si Manong Mr.Congeniality ay kaibigan ng lahat si Manong Anti-Social naman ay parang galit na galit sa mundo. Mararamdaman mo ang maitim na aura ni kuya dahil noong nagbayad ka ay galit ang pagkakasabi niya ng “SAAN TO?!?”. Alam mo ding pinaglihi siya sa sama ng loob dahil galit na galit ang pagbubusina nya sa mga pasaway sa kalsada at may free promo pa na malutong na mura. Kung hindi siya jeepney driver siguro ay lider siya ng mga nagpoprotesta o NPA. Relax lang kuya, BP mo! ;)

4. Manong Piloto – Alam mong si manong piloto ay isang frustrated na airplane pilot kasi kung paliparin niya ang jeepney ay parang walang bukas. Super tulin ni kuya magpatakbo na parang laging may emergency at nakakalimutan na niya na Public Utility Vehicle pala sya kasi iniiwan na nya yung mga gusto pa sanang sumakay sa jeep nya. Gustong gusto mo siyang sakyan lalo na kung late ka na sa school o sa trabaho ngunit samahan ng dasal ang pagsakay sa kanya dahil baka sa ibang lugar ka mapadpad. Sa langit na pala ang byahe nyo ni Manong.

5. Manong Astronaut – Kung si Manong Piloto, sobrang bilis, kabaliktaran naman ang peg ni Manong Astronaut. Super bagal nila magdrive at kung kelan nagmamadali ka o may hinahabol sa oras, saktong sakto naman at sila ang nasasakyan mo! Wagas! Tiba-tiba din sila sa pasahero kasi lahat ng taong makita nila ay hinihintuan nila, kahit ayaw nito sumakay. Minsan nga gusto mong pausugin na si Manong, o pababain na ng jeepney at ikaw nalang ang magdrive para mas mabilis kayong makarating sa pupuntahan niyo

6. Manong Soundtrip – Si manong Soundtrip ang may kakaibang trip sa buhay at ito ay music. Mapa-radio, tape, cd, mp3 o Ipod pa ang player nya, may bonggang bonggang soundsystem ang buong jeep nya. Hindi mo alam kung jeep to na nilagyan ng soundsystem, o soundsystem na nilagyan ng gulong. Malakas magpatugtog si Manong Soundtrip at parang laging party party ang theme ng jeep. Kung may kasama ka at gusto niyo sanang magkwentuhan sa jeep ay hinding-hindi mangyayari kasi talo kayo ng LadyGaga Songs ni Manong Soundtrip. Ok sana ang trip ni manong sa buhay, kaso nga lang kapag bababa ka na, kahit sumigaw ka, kasama ang lungs, ng “PARA!!!” hindi ka maririnig ni manong, at huli na nyang marerealize, pag malayo ka na sa dapat mong bababaan. Sabaw.

Masaya ang sumakay sa mga jeepney lalong lalo na ngaung pwede mo na icategorize sila Manong. Malaki ang pagpupugay ko sa mga jeepney drivers, dahil kahit halos araw-araw silang nagdadrive at kahit konti lang ang naiiuwi nila sa bahay para sa pamilya nila ay buong puso parin nilang ginagawa ang kanilang mga trabaho. Isipin mo nalang kung lahat ng jeepney ay magtitigil pasada, edi sasakay nalang tayo sa mga bus? Mahal. Kaya dahil dyan, I salute you mga Manong, mabuhay kayong lahat! ;))   



Image Reference:
http://ppmsite.com/forum/files/jeepneypercent20gruen_476.jpg

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento