Kung ikaw ay naging nursing student at nagduty sa hosp malamang sa alamang, alam mo ang mga susunod na sasabihin ko, eto ay ang typical na itsura ng mga nursing student. mapa babae o lalaki, syempre may pagkakaiba, pero halos ganon na din.
1. SUPER WHITE UNIFORM - para sa mga SUPERNURSE
Hindi lang white uniform, kundi SUPER white uniform kasi hindi lang yung uniform mo yung white, pati apron, stockings, at shoes (pero most of the time, dirty white ito, uyy aminin!). Madami akong kilalang nagnursing dahil gusto nila ang super white uniform kasi ang ganda ganda daw. Ako, ayoko ng white uniform, hindi kasi ako masyadong conscious sa damit ko ee, kung saan saan ako dumidikit, eh pag white ang uniform mo kitang kita yung dumi.
Naalala ko tuloy, pauwi na kami ng mga kaklasmet ko, sa dulo kami ng jeep nakaupo, tuwang tuwa kami kasi ambilis ni manong magpatakbo para mabilis kami makauwi, ng biglang PFFFFFFFFFFTTTTTT!! NAGBRAKE ng bongang bongga si manong. Mula sa dulo, napunta kami sa unahan ng jip, ayun libre punas yung jip, at uniform namin ang naging basahan. Nagenjoy kami sa ride. Cool ka kuya, dapat kang iclap clap.
2. Hairnet - BOKNAY FEVER
Pag babae ka, kelangan aus na aus ang hairlalu mo. Nakahairpin, nakagel at syempre nakaboknay (sa mga hindi familiar sa term, eto ang tawag sa hair-in-a-bun-with-hair-net). Sa boys naman kelangan 3 by 4 ang buhok mo, bawal ang kalbo. Parang military ang mga C.I.s mo, nakakatakot sila pag may hawak ng gunting. At kung gumupit, sobrang balibaliko talaga. Talagang pupunta ka sa barberya upang ipatabas ng maigi. Sa umpisa, mahirap magboknay, kelangan pag aaralan ang Art of Boknay Fever. Pag 4th year ka na, naperfect mo na ang art ng pagboboknay na hindi na kelangan ng salamin at ng mga hairpin :))
3. PIN AT NAMEPLATE
Lahat ata ng school may gento. Importante to. Kasi pag hindi ka kilala ng CI mo, dun ka nya makikilala, sa nameplate. Ang nameplate mo ang kasama mo sa lahat ng pangyayari sa nursing life mo. Ito ang nakakakita ng mga pagdodoktor mo sa NCP, panghuhula mo ng RR at HR ng pt, at higit sa lahat ito rin ang nakakita na finast drip mo yung IV kasi nung tinimbang, kulang. Sikrit nyo lang yun ni Nameplate. Naku, kung naging buhay ang nameplate mo, PATAY ka. :))
4. COLORFUL UNDERGARMENTS - Hello Kitty na Sando/ Spongebob ng Brief
Dito nakikita ang sinasasaloob mo, as in literal, SINASALOOB. Eto ang natatanging self expression ng nursing student. Bawal. Pero ginagawa pa din. Eto siguro ang tanging paraan para magrebelde ang mga student nurses o kaya ubos na ang mga white na panloob kasi hindi pa nakakapaglaba. Toxic kaya. Tapos ang cute cute kaya kapag polkadots ang bra mo o may cartoon character ang boxers mo kasi kitang kita dahil sa white na uniform. Ito ang nagsasabing ang nursing ay hindi lang science kundi ART. Stylish bonggay! :))
5. DUTY BAG- na may MAGIC
Nasabi kong may magic ang duty bag kasi unti unting itong nauubusan ng laman habang lumalapit ang graduation nyo. Sa school ko, parepareho ang bags namin pag duty, kaya para hindi magkamali, may self expression din ang mga bags namin. Pag walang laman, kay ano, Pag punongpuno, kay ano, Pag sira ang zipper, kay ano, Pag madumi na, kay ano. :) Nakakatuwa din ang mga duty bags kasi minsan may magic ito, akala mong wala ka, biglang nagkakaroon. Minsan naman akala mo meron ka, wala na pala, kasi hindi na nadadagdagan ang mga gamit simula umpisa na nagduty.
Masaya alalahanin ang nursing life. Parang kahapon lang nangangarag ako kasi wala akong pamBP, hangang ngaun wala pa din akong pamBP. Namimiss ko din ang white uniform at lahat ng anik anik. Mabuhay ang mga Nars, mga bagong bayani ng Pilipinas! :))
likE!
TumugonBurahin