Kinausap mo na ba ang sarili mo at nagtanong tapos kahit ikaw ay walang sagot sa iyong katanungan? Ako kasi palagi. Kaya naisip kong itanong nalang ito sayo. Tignan natin kung masasagot mo ang mga tanong ko sa buhay. Masisiyahan talaga ako ng bongga kung masasagot mo to. Handa ka na? Eto na sila:
- Bakit kung kelan may gustong-gusto kang bilhin dun ka walang-walang pera, tapos pag may pera ka naman dun naman nagtatago lahat ng gusto mong bilhin?
- Bakit kung kelan ka may dalang payong at ineexpect mong uulan ay hindi umuulan tapos pag feel mo namang aaraw ng bonggang bongga ay dun naman nagngingit sa galit bumuhos ang ulan?
- Bakit kung kelan mo kailangan ang isang bagay hinding-hindi mo ito makita, tapos pag hindi mo naman siya kailangan dun niya naiisip na magbelly-dance sa harap mo?
- Bakit kung kelan matutulog ka na dun parang ang ganda-ganda ng buhok mo pero pag may pasok ka or pag gusto mo siyang maganda dun niya trip na tumikwas-tikwas at bumuhaghag ever?
- Bakit kung kelan ka nanonood ng sine, dun naiisipan ng kung sinong Pontio Pilato tawagan ang phone mo? (At take note, dun pa sila tumatawag sa part na kailangan ng buong sinehan ng makabagbag-damdaming KATAHIMIKAN)
- Bakit pag pumunta ka sa supermarket at kumuha ng cart, parang yung isang gulong ng cart may sariling utak?
- Bakit nga ba may mga bangaw na mukang nakapark sa ere pag umaga?
- Bakit wala pang Santan Juice sa Tetra pack?
- Bakit yung mga batang may pang tuition fee ayaw mag-aral, tapos yung wala namang pera pambayad ng matrikula gustong-gusto mag-aral?
- Bakit pag mahal mo ang isang tao most probably hindi ka mahal, tapos pag mahal ka naman, hindi mo mahal? Sad with sad face. :(
Weird noh? Sana masagot ko din yan balang araw. Kung may sagot ka, please naman maawa ka sa kaluluwa ko at sabihin mo na saken ang sagot. Dahil hindi ako matahimik sa mga katanungang iyan, nagugulumihanan ang aking dadamin. Pag may sagot ka sabihin mo saken ha? Paalam muna -Monike :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento