Kung tatanungin mo ang mga kaibigan mo kung mabubuhay ba sila kung walang cellphone, ipupusta ko ang bahay ng kapitbahay namin na sasabihin nilang HINDI. Kung dati ang gamit lang ng cellphone ay pantext at pantawag, ngayon all around gadget na ito. Hindi mo na kailangan ng ibang mga gamit dahil may cellphone ka na. Eto ang iba pang gamit ng phone mo (kung hindi mo pa alam):
Game Console – sa sobra high tech na ng mga phone ngaun sobrang high tech na din yung mga games na nalalagay. Nagumpisa yan sa Snake at Space Impact at ngaun Temple Run at Kung anu-ano pa. :))
Music Player – Halos lahat na ng phone may feature na ng music player. Kung hindi naman pwede ang mp3s ay pwede ka naman makinig sa radio. Actually eto na nga lang ang feature ng phone ko na ginagamit ko ee. Hihihi. ;))
Alarm Clock – Alam nating lahat na alarm clock mo tuwing umaga ang phone mo. Tapos pag nag-alarm siya automatic mong napipindot ang snooze button at paglate ka na nagising ay papagalitan mo ang phone mo. Mga gawain, Alam na! :)))
Salamin – Once-upon-a-time nagawa mo na ding salamin ang phone mo lalo na kung kasabay ka sa uso na touch screen na ang phone mo. Pagmalaki-laki ang glass ng phone mo (Iphone) alamin lang ang tamang angulo pwedeng pwede na itong gawing salamin. Bongga! :))
Paperweight – Pagmadami kang ginagawang paperworks at biglang binuksan ni Inay ang electric fan, magandang gawing paperweight ang phone. Madalas kong gawing paperweight ang phone ko nung nag-aaral pa ako. Multitasking ang peg nya ee. :))
Flashlight – Naalala mo yung time na may hinahalungkat ka sa bag mo at hindi mo makita kaya naman ginawa mong flashlight ang phone mo tapos pindot ka ng pindot para hindi mawala yung ilaw? tumpak. Minsan naman gabi at madilim ang daan kaya naman ang phone mo ang kasama mo at kung may makita ka pang mumu pwede mo itong ihagis o ipanhampas. Great! :))
Hindi na nga pantext at pantawag lang ang phone ngaun. Kaya ako, kahit lasog-lasog na yung phone ko, mahal na mahal ko pa din ito, at hindi ko ito ipagpapalit (pwera nalang kung bibigyan mo ako ng iphone4s) Kkkkkkkk. Love. Love ~ Monike
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento