Random Fact: Naghigh-school ako sa typical Catholic School na pinapalakad ng mga madre. At kung nag-aral ka sa isang institusyong pinapalakad ng mga madre siguro maiintindihan mo kung sasabihin kong medyo scary sila. :)
Another Random Fact: Hindi ako cool nung highschool. Hindi ako sikat. Hindi ako crush-ng-bayan. At iniisip ko nun ay mag-aral ng mabuti (alam ko ang corny ko!). Masasabi kong isa akong wallflower with perks. :))
Bonggang bonggang Random Fact: Pero gayun pa man hindi ko ipagpapalit ang mga kaibigan ko nung highschool. At alam kong ikaw din. Sila ang isa sa mga pinakacool na tao sa mundo, bakit? kasi:
- May mga memories kayong hindi matatawaran. Naalala mo nung una kayong napunta sa guidance office dahil sa mga hindi malamang dahilan? :) Masaya din yung mga bloopers ng mga teachers nyo ng highschool na lagi nyong pinagkwekwentuhan. Mga school projects na sabay-sabay niyong ginawa. Mga presentations na pinag-away-awayan niyo pa. Mga pagpanalo at pagkatalo niyo sa intramurals. Mga assignments na pinagpapasapasahan lang tuwing umaga. Mga baon na share-share na pinagpapasahan habang nagkaklase. Mga tulog na ninanakaw pag hindi nakatingin ang teacher. At kung anik-anik pa. Haaaaaay. Nakakamiss :((
- Kasama mo sila sa mga ‘first times’ mo. Kasama mo ang mga highschool friend mo noong first time mong mag-explore sa mundo. Alam nila ang first crush mo at first puppy love mo. Sila ang kasama mo nung tinry mong first time na uminom, swerte mo pag kasama mo sila noong first time mong malasing. First time mangopya sa harapan ng teacher. First time mong magrebelde sa magulang. First time mong… ikaw na bahalang magdagdag. Alam kong madaming karugtong yan, Alam mo yan teh! :)
- Sabay-sabay kayong nangarap. Sa highschool mo nabubuo kung anong gusto mong maging pag tumanda ka na at kasama mo ang mga taong ito noong una kang mangarap. Pare-pareho ninyong alam na mahirap ang dadanasin ninyo sa pag-abot ng mga pangarap na ito pero kasama mo sila sa hirap at ginhawa (drama!). :)
- Alam nila ang True-to-Life story mo. Alam ng mga highschool friends mo kung ano ang mga nangyari kaya ka naging ganyan ngaun. May mga desisyong mas maiintindihan ng highschool friends mo kasya ng mga college friends mo. Basta feeling ko mas kilala ako ng mga highschool friends ko, kasi nakita nila kung ano ang mga pangyayari nakapagpabago ng buhay ko. Chos! :))
- Nakilala ka nila habang bata ka pa, immature, at walang kamuwang-muwang sa mundo. At sabay-sabay kayong magkaroon ng muwang sa mundo! Bongga! :)))
Mahal ko ang mga high school friends ko at kasama sila sa listahan ko ng mga pinakacool na tao sa mundo (kasama nila Einstein at Steve Jobs). Kaya kung highschool ka pa, ienjoy mo yan. Kung hindi na, kasama mo ako sa pagrereminisce. Masaya ang high school. At masasabi kong dahil ito sa mga kasama ko panahon na ito ng buhay ko. Sila ay mga tunay na kaibigan. ~ Monike :))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento