Alam mo yung feeling na hirap na hirap ka na ngunit hindi mo malabas? Yung hindi ka makahinga. Masakit ang ulo mo. Naiirita ka sa lahat ng bagay. Ayaw mong tumayo. Gusto mo matulog kaso hindi mo kaya. Lahat na ginawa mo ngunit wala pa din. Ganyan. Ganyan ang nararamdaman ko ngaun. Ang hirap ng may SIPON no?
Tapos nakakahiya pa suminga ng malakas sa public. Ubos na lahat ng tissue paper sa bahay nyo. Hindi mo pa alam kung saan nagmumula ang lahat ng ito, bat ang dami dami nila? bat hindi maubos. Ayy kaloka.
Uso ang SIPON ngaun, pati yung kakambal niyang UBO tsaka pinsan niyang LAGNAT lalo na ang anak ng lolo ng pinsan ng kapitbahay nilang si TRANGKASO. Mahirap magkaroon ng mga ganitong sakit kasi hindi ka makakapasok. At pag hindi ka makakapasok ay wala kang sweldo. Kaya nga sabi ng commercial sa tv: “Bawal magkasakit!”. Kaya naman bilang isang RN (Resting Nurse) gusto kong makatulong upang maibsan ang iyong nararamdaman. Sundin itong mga simpleng payo:
1. Hydrate. Hydrate. Hydrate. Increase Oral Fluid Intake. Uminom ng madaming madaming madaming madaming tubig. Bakit? Kasi yung mga mucus na nakadikit sa loob ng lungs mo, madidisolve. Mailalabas mo na ng mas mabilis. Mahirap iexplain in layman’s term ee. Penge ngang tubig! hahaha :))
2. Ilabas mo yan. Mostly bacteria ang causes ng sipon at ubo. At hindi sila makaka-alis sa systema mo kung hindi mo sila ilalabas. Bumili ng madaming tissue paper at ilabas mo yan. At itapon sa basurahan upang hindi na kumalat ang germs. :)
3. Eat healthy foods. Dati, hindi ko talaga maintindihan bakit kung kelan ka may sakit at walang panlasa dun ka naman bibigyan ng masasarap na pagkain at prutas. Pag walang sakit, aratilis lang ang prutas sa bahay. Haha. Pero ginagawa ni Nanay ito upang palakasin ang resistensya mo at malabanan ng kawatan mo ang germs. :))
4. Rest. Kailangan ng katawan mo ng pahinga upang magawa nito ang dapat nitong gawin. Tulad ng computer mong kailangan ishutdown para hindi mo magoverheat. At cellphone mong kailangan irecharge upang hindi malobat. Kailangan din ng katawan mong magpahinga upang magfunction ng tama. Get enough Zzzzz. :))
5. Consult your doctor. Kung hindi na talaga kaya at hirap na hirap ka na talaga. Magpaconsulta na sa family doctor nyo upang malaman kung kailangan mo na uminom ng antibiotics.
Bilang isang Nurse. Pasaway ako sa paginom ng gamot. Hindi talaga ako umiinom pag hindi talaga kailangan na kailangan na kailangan (I know. I’m bad..). Pero isa akong bad example. Kaya ikaw. Huwag mong hayaang magkasakit ka. Sundin ang aking mga payo at you will be up in no time. Bawal Magkasakit! Stay healthy! Ciao ~ Monike :))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento