Sabado, Hunyo 9, 2012

Mga Kailangan para sa Masaya at Hassle-Free na Outing


Nito lang nakaraang mga araw, gumala ako ng bonggang bongga kasama ng mga highschool friends ko. Pumunta kami sa Kamay ni Hesus (Lucban, Quezon) at sa Laiya Beach (San Juan, Batangas). Sobra saya ng road trip naming tropa at naisip ko kung ano ang mga kailangan sa masaya at hassle free na outing ng inyong barkada. Eto ang listahan ko:
  1. Sasakyan with chauffeur (a.k.a. driver) – magandang magrent kayo ng van kasama si manong driver na alam ang mga pupuntahan niyo kasi eto yung ginawa namin. Medyo mahal nga kung tutuusin, pero worth it naman kasi sobrang hassle free talaga ang roadtrip namin. Hindi namin inaalala kung naliligaw na ba kami kasi alam ni kuya ang lahat ng daan at pwede pa kaming matulog sa byahe. Swerte pa namin kasi si manong driver ay malakas din ang trip katulad namin kaya naman super enjoy ang road trip at bakasyon.
  2. Travel Destinations – Ayusin ang itinerary nyo. Maghanap ng mga lugar na may magandang scenery o kaya naman ay may special place sa inyong mga puso. Patunayan ang linyang “It’s more fun in the Philippines” at “Wow Philippines” sa pamamagitan ng pagpunta sa mga pinagmamalaking lugar nito. Nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa sa local tourism ng bansa. Tip ko din na iexperience ang culture sa mga lugar na pupuntahan. Huwag matakot na magventure sa mga kakaibang putahe o sa kakaibang gawain, isipin mong minsan ka lang pupunta dyan kailangan itry mo na lahat. C’mon vamanos, everybody let’s go! :))  
  3. Camera – Dapat may maganda kayong camera to capture the moments. At para din ma-upload sa Facebook upang mainggit ang mga hindi nakasama. Hahaha baaaad! Dapat laging stolen ang shots (minsan din “kunwari stolen”) para mas masaya pag tinitignan. Dun ka kasi nakakakuha ng mga real life moments kapag hindi alam ng kinukuhanan na pinipicturan pala sila. :))
  4. Money, money, money – kelangan mo din magdala ng madaming pera kaya naman pag-ipunang maigi ang mga outings nyo. Mas maganda kung magdadala ka ng over sa budget mo para sa mga emergency na bibilhin or pambili ng pasalubong. :)
  5. FRIENDS with kwento – halangan naman mag-isa ka lang magroad trip? Anlungkot naman ata nun. Mas masaya kung kasama mo yung mga kaibigan mo at magkwekwentuhan kayo habang papunta sa inyong destination. Kami ng mga kaibigan ko, di ko alam kung bakit tawa pa rin kami ng tawa kahit minsan paulit-ulit na yung mga kwento. Iba rin kapag may mga memories na kayo pinagdaanan tapos pagkwekwetuhan nyo ulet. Yung tipong nangyari na 5 years ago, kung kelan bata pa kayo, immature, at wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Masaya balikan ang mga nakaraan. :))
Kahit saan ka pa pumunta, malayo man yan o malapit, basta kasama mo ang mga taong malalapit sa puso mo, sigurado akong mag-eenjoy ka sa pupuntahan mo. Pero huwag din kalimutan ang listahan ko upang mas maging hassle free at enjoyable ang inyong mga byahe. Sa uulitin. Happy Roadtripping. Ciao! – Monike :))    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento