Lahat ng tao may pangarap. Madalas nga nila sabihin na ang mangarap ang tanging libre sa mundo. At marami sa atin nangangarap na maging Billionaire tulad ni Bruno Mars o kaya naman maging E.T. tulad ni Katy Perry pero minsan may mga mutants na katulad kong may kakaibang pangarap. Eto ang aking mga simpleng pangarap:
Maging Cashier sa SM Supermarket – Bata pa ako nung una akong mangarap ng ganyan. Gusto ko kasi yung tumutunog na toooooooooot pag may siniswipe na items sa machine ng mga cashier. Tapos tuwang-tuwa pa ako dati kasi feeling ko andami-daming pera ng mga cashier. Tapos hindi mo ba napapansin na parang ang gaganda din nila? Laging naka-ayos ang mga buhok at nakamake-up. Tooooooooooot! :))
Maging Barista sa Starbucks – Gusto ko to kasi ambango bango talaga ng coffee shop para saken. Grabe. Bawal kasi akong uminom ng kape kaya naman para akong hinihipnotize kapag nakakalanghap ako ng freshly brewed coffee. Ahhh Heaven!!! Tapos parang ansosyal pa ng trabaho mo, “One cup of Cookie Crumbles for Gregoria!”. Kahit ambaho ng pangalan mo basta sinisigaw ng mga barista ng Starbucks, parang gumaganda. Haha. :))
Taga-Tikim sa Factory ng Nutella – Kung may work lang na ang gagawin lang ay taga-tikim ng nutella aba gorabells ako dyan. Actually kahit anong factory ng chocolate basta yun lang ang gagawin. Go lang ng go! Voluntary work pa ako! :))
Conductor ng Bus – Eto kakaiba kong pangarap. Nung college ako, araw-araw kong nilalakbay ang bahay to school tapos parang 2 hours ride sya tapos palagi akong nakasakay sa bus. Sa sobrang kabisado ko na yung lugar pwede ko na palitan yung conductor ng bus. Naisip ko na din mag-apply nun kasi balita ko 10% daw ng kita ng bus ay sa conductor (Hindi ko lang alam kung totoo ang chismis na to). Tapos wala pa ako nakikitang babaeng conductor ng bus. Ever. Maiba lang. Hihihi :))
Maging Araro – Araro yung ginagamit ng magsasaka. Kasi meron akong kilalang gusto niya daw maging KALABAW. Hahahaha. Sasabayan ko lang ang Trip nya :)
Sana magawa ko sila balang araw (pwera lang yung araro). Pwede naman ngaun ee kaso iba na rin kasi ang priorities ko sa buhay. Aun. mananatili na lang silang mga pangarap. :))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento