Huwebes, Hunyo 21, 2012

Paano ba Tumaas ang Grades? :))


Ikaw ba ay nag-aaral pa? Gusto mo bang tumaas ang grades mo? Gusto ko lang ishare ang mga alam ko para sa mga kakosa ko dito sa net na nag-aaral pa. Eto ang mga tips para tumaas ang grades mo:

80/20 Rule. Sabi sa nabasa ko dati, “80% of what you do in school represents 20% of your grade and 20% of what you do represents 80% of your grade”. Totoo ito, ginamit ko to dati. In terms, pag-aralan ang 20% na kailangan mo pagbutihan. Alamin ang criteria of grading tapos dito mo makikita kung ano ang may malaking percent ng grade mo (most commonly, midterms at finals ito) at iyon ang pagtuunang ng matinding concentration. Yung bonggang bonggang powers mo dapat dun mo finofocus. Parang Kame-hame-wave. :))
Know your prime time. Alamin kung kelan buhay ang dugo mo at dun ka mag-aral. Ako? Isa akong insomniac kaya obviously madaling araw ang prime time ko. Dati, pag periodicals or exams (which is araw-araw sa course ko) natutulog ako ng maaga at madaling araw ako nag-aaral. Aswang lang ang peg. Ikaw din. Alamin ang oras na makakapagconcentrate ka at gamitin ito. :))
Use your Strengths. Develop your Weaknesses. For example, mahilig kang dumaldal, magparticipate sa mga recitations. Kahit mali-mali ang sagot mo, ok lang yan, ang importante tatatak sa professor/teacher mo na participative ka sa clase. Kung mahiyain ka naman pero magaling sa written, iperfect ang mga exams. Ang main point, alamin mo ang strengths mo and use it to your advantage. Para naman sa iyong weaknesses, maghanap ng kaklase o kaibigan na makakatulong sayo madevelop ang weaknesses mo. Knowing you have a weakness is a strength itself. :))
Manage your time wisely. Napaka-importante ng time management sa buhay estudyante. Magfafacebook ba ako o mag-aaral? Magtwitwitter o gagawa ng assignment? Magtutumblr o magreresearch? Ito ang mga katanungan mahirap talaga sagutin kasi pwede mo namang pagsabay-sabayin yan ee. :))) Gawin muna ang mga bagay na alam mong makakapagkonsumo ng mahabang oras bago ang mga madadaling gawain. :)
Prioritize. Prioritize. Prioritize. Gumawa ng to-do list at lagyan ng number kung ano ang mga pinakaimportante. Tandaan mong isa ka lang at hindi mo kayang gawin ang lahat. Kung hindi mo na kaya, magpatulong sa mas nakakaalam. Hindi kabawasan sa katalinuhan mo ang pagtatanong o paghingi ng tulong. Iprioritize ang importante at huwag ng gawin ang hindi. Try mo din mag multitask. Nakakaloka nga lang minsan. :))
Reward Yourself. Huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Kapag feeling mo ambait-bait mo ng anak bigyan ng reward ang sarili. Hindi naman ito kailangan bongga tulad ng DSLR or Ducati evo 848. Try mo lang yung maliliit. Kunwari pag natapos mo ang assignment mo sa math, bibilhan mo ang sarili mo ng cloud 9. Kung may natapos kang special project, reward mo ang sarili mo ng Burger Champ sa Jollibee. Pagkatapos ng hell week, magpamasahe ka or pumunta ka ng Tagaytay. Lahat ng hirap dapat may katumbas na sarap para lalo kang mamotivate. :))
Hindi talaga ako naniniwala na basehan ng talino ng tao ang grades sa school kasi masyadong biased ang school para sa mga verbal at logical intelligences at hindi nahihighlight ang ibang pang intelligences. Pero habang nasa school tayo kailangan nating sumunod sa patakaran kaya naman gamitin ang mga tips kong ito. Study SMARTER, not harder :))   
Baka sabihin mo, “Sino ba itong babaeng to na tuturuan daw akong mapataas ang grades ko?”. Ano ba ang credibility ko upang maniwala ka saken? Kasi po masyadong madami na akong nabasang libro kung paano mapataas ang grades ng isang tao at iyan ang summary ng mga sinasabi nila. Basta maniwala ka nalang. Low profile lang ako ee. Pero kung curious ka talaga. TA mo nalang ako. hihihi. Love. Love.  :)) ~ Monike 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento