Biyernes, Hulyo 20, 2012

Mga Uri ng Pasyente Ayon sa Isang School Nurse


Alam mo. Nagkatrabaho na ako. Natanggap ako bilang school nurse sa isang campus ng school ko. Kaya medyo busy-busyhan na ang lola mo. Hindi na nga ako nakakapagkwento ng mga kabalbalan ko sa buhay at namimiss ko na din magblog. Yung gento. Kausap ka. Kahit alam kong wala ka namang pakialam saken. Hahahaha. Pero enjoy kamo ako sa pagiging school nurse. Nakakatuwa ang mga batang pumapasok sa clinic. Tatanong ng “Maaaaam, may gamot po ba kayo sa <insert sickness here>???”. At napansin ko lang na PALAGING yung KAIBIGAN ng MAY SAKIT ang nagtatanong kung meron kaming gamot. Ayun.

Nakaka-antok sa clinic. Sobra. Parang hinihila din ako ng kama. Partida ako na ang nurse nyan aa. May kasama din ako ditong nurse ee. Si Rolan. Tapos lagi din sya inaantok. Hindi ko kung bakit kami inaantok dahil ba ito sa kama, sa music, o sa multo na hinehele kami. Yun pa. May multo daw dito clinic. Hindi naman ako naniniwala sa multo kasi takot ako makakita ng multo ee. Pero ilang beses na din namatay ang ilaw ng walang pumapatay. Tapos namamatay yung sounds ng computer ng walang gumagalaw. Tapos minsan alam mo yung parang may nakatingin na wala naman. EEEEeeeeeeehhhh!! Hindi ko alam kung tinatakot ko lang ang sarili ko o talagang may nararamdaman ako ee. :))

Sa 2 weeks ko bilang campus nurse, unti-unti ko ng nakikilala ang mga tao dito at naklase ko na din ang mga estudyanteng pumapasok sa clinic. Eto sila:

Patients is a Virtue – eto yung mga totoong pasyente. Sila ang mga batang namumutla, may lagnat, at hinimatay na lang bigla-bigla. Kailangan talaga nila ng serbisyo ng clinic at kailangan bigyan ng mga gamot o first aid. Mostly pa sa mga Patients is a Virtue ay ayaw pumunta sa clinic at napagalitan lang ng teacher o pinilit ng kaibigan dahil nag-aalala na talaga sa kanilang mga kalagayan. Aun. Pasok lang, you are welcome! :))

Gus Abelgas – eto yung mga pasyenteng may REPORT o may EXAM lang kaya nakakaramdam ng sakit ng ulo, pagkahilo, at sakit ng tyan. Conversion to the highest level ang peg ng mga batang ito. At take note, may sakit sila pag malapit na ang klase at pag tapos na ng oras ng klase biglang nagkakaroon ng MATINDING lakas na hindi mo alam kung saan hinuhugot. Superman na may kryptonite ang trip nya sa buhay. OKkkkkkaaayy.

Cooler ang Clinic –Eto ang mga batang gusto lang mag palamig sa clinic kasi sa labas nga naman ay sobrang init. Magiimbento ng mga sakit para makapagstay lang sa clinic at magpalamig. Minsan lang bored lang sila at gustong guluhin si mam. Tapos yun. Pinagtitripan lang ako. MMMMMmmmmm sarap! :))

Hypochondriac – May kwento ako dito. Yung estyudyante kumatok, pumasok.
Monike: “Yes po?”
Hypochondriac Student: “Maaam may gamot po ba kayo sa VERTIGO?”
Monike: Nagulat “Alam mo ba ang vertigo kuya?”  
Hypochondriac Student: “Opo, yun po yung nahihilo diba?”
Monike: “Ahhhh”. Iba ang vertigo sa normal na hilo lang, ginamot ko sya pero tinandaan ko ang pasyenteng iyon
*Next day*
Hypochondriac Student: “Maaam may gamot po ba kayo sa muscle pain?”
Monike: “Saan ba masakit?”
Hypochondriac Student: “Eto pong balikat ko buhat buhat ko po kasi tong laptop kung saan saan ee ”
Monike: “Gusto mo ba uminom ng gamot?”
Hypochondriac Student:  “Hindi na po mam baka magkaroon po ako ng TOLERANCE
Monike: “EEERRRRRRrrrr. Oki”
*Isa pang next day*
Hypochondriac Student:  kumatok, pumasok nakahawak sa ulo. Nakakunot ang noo.
Monike: *kausap ang sarili* Ano nanaman kaya ang pinaplano nito?
Hypochondriac Student:   “Maaam may gamot po ba kayo sa sakit ng ulo?”
Monike: Binigyan ng Biogesic.

End of story. Naiinis ako sa hypochondriac na yun. 4 years ako nag-aral ng nursing. 2 years ako nagduty sa hospital. Alam ko ang mga umaarte lang sa mga mayroon talagang saket. Kaya kuya ichecheck kita. Humanda ka saken. Hindi ka uubra. Hahaha

Meron pa yung mga nakikiCR, nakikibihis, tatambay at kung anik-anik pa. Ayun. All in all kung susumahin mo, super enjoy naman sa clinic. Andami kong naiisip na kung ano-ano para gawin. Maliit and sweldo. Pero Ok lang. Stress free na. Sure win pa! Weee. See you sa clinic. Ciao! :))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento