Sabado, Hulyo 21, 2012

Bakit namiss ko ang pagiging Nars


Inaantok ako. Nanaman. Nandito ako sa clinic ee. At eto lang ang napatunayan ko. Sarap talaga matulog sa clinic. Hahaha. Di ko din masisisi kung gusto ng mga batang matulog dito ee. Lalo na kung maulan-ulan sa labas, nakaka-antok ang prof, at puyat ka pa. Talagang gagawa ka ng dahilan para makatulog sa clinic. Almost 3 weeks na akong nagwowork dito. Enjoy naman. Kahit wala pang sweldo. Haha. Wala naman talaga akong ginagawa ee. Taga-bigay lang ng Biogesic. Mapasipon, sakit ng ulo, lagnat, hypochondriasis o obsessive-compulsive disorder pa ang sakit mo, alam kong mapapagaling ka ng Biogesic ko. Sabi nga ni Papa John Lloyd diba? Ingat! :))

Sa tatlong linggong nagpapanggap akong nurse, super enjoy ako. Naalala ko kung bakit nag-enjoy din ako sa course ko dati (kahit ngaun wala talaga kami mapasukang trabaho). Eto ang mga dahilan

1. Chona Chikadora ako. Mahilig talaga ako makipag-interact sa mga tao. Masaya ako pag nagkwekwento ako ng mga nararanasan ko sa buhay. Tulad nentong ginagawa ko ngaun. Pero mas enjoy na habang nakikipagkwentuhan ka sa mga bata o teacher na may sakit ay may naiimpart ka sa kanila (tulad ng biogesic). Minsan sobra sobra na nga ang health teaching ko dito ee. Feeling ko tuloy nagtuturo na din ako ng nursing 

2. Why so serious? Joker ako talaga. Minsan kasi kailangan lang ng mga batang ito tumawa, ngumiti.  Minsan common sense lang din talaga ang kailangan sa mga problema nila ee. Masakit daw ang ulo, tapos pag tinanong mo, puyat pala kaya masakit ang ulo, edi hindi gamot ang kailangan mo kundi… tadaaaaaaaaah TULOG! Pero minsan hindi nila naiintindihan yun. Kaya binibigyan ko nalang ng biogesic. Hahaha.

3. May pagka-Ambivert kasi ako. Extrovert ako pag may tao at may kausap, pero minsan umaatake din ang pagkaintrovert ko na  gusto lang mapag-isa. Emo-emohan lang ang lola mo. Gusto ko mag-isip. Magplano ng mga gagawin ko sa buhay. Magplano, Magsiguro, Maghanda… parang commercial ng GMA para sa tag-ulan. At nagagawa ko yun dito sa clinic. Kaya keriboom keriboom talaga dito. Masaya pa ang mga kasamahan ko. Nakakaloka lang. :)

All in all, namiss ko din talaga ang pagiging nurse, kahit ayaw ko talaga ng course ko, at kahit gusto ko pa din talagang maging engineer. Hahaha. You can take me out of nursing, but you cannot take nursing out of me. Im your super nurse Monike, signing out! Ciao! :)

2 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. hehe yan si monike ang classmate kong walang ibang ginawa sa klase kundi ang magtaas ng magtaas ng kamay tuwing may itatanong ang mga prof namin... kulang na lang eh xa na ang maging PROF kasi mas marami pa xang nasasabi hehe

    TumugonBurahin