Miyerkules, Mayo 30, 2012

Paano ba maging masaya? :))))


Ikaw ba ay nalulungkot? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? MALUNGKOT? Awwww. Gusto mo bang sumaya? Sasayawan kita. Ayaw mo? Ok fine. Bibigyan nalang kita ng mga gagawin upang matutong sumaya ulet. At medyo sure ako na sasaya ka talaga pag ginawa mo to. Ready ka na ba sumaya? Ready. Get set. GO!:
  1. Smile. Ngumiti ka kaibigan. Sabi sa nabasa ko (matindi talaga yung mga nababasa ko ee!) na kahit finefake mo ang pagngiti mo ay nakataas pa din ito ng mood mo.  Nagiging totoong masaya ka. Kaya sabi nga ni Love Anover “isang smile naman dyan and everything!” Ilabas ang maliit at mapuputing mga ngipin. I-unat ang mga labi. Iexercise ang mga facial muscles. At ilabas ang iyong beautiful and gorgeous smile.  Win-win situation yan ee. Gaganda ka na, sasaya ka pa at mapeprevent mo pa ang mga early wrinkles. Kaya Teh, Smile!
  2. Sing and Dance. Kumanta ka kahit wala ka sa tono… lalong lalo na kung wala ka sa tono! Sinasabi ko sayo, magiging masaya ka na, mababasag mo pa ang mga eardrum ng lahat ng nakikinig sayo! Weeee. Sumayaw ka din. Iyugyog ang buong katawan kahit dalawang kaliwa ang mga paa mo. Wala naman magsasabi sayong mali ang ginagawa mo. Kaya imove it, move it mo na yan kapatid! Sabi pa did-you-kno.tumblr.com, “Dancing has been scientifically proven to make you smarter and healthier”. Oh diba, sasaya ka na, tatalino ka pa! Bongga!  
  3. Talk. Kausapin ang mga kaibigan, kapamilya at kabarkada. Kung ikaw ay galing sa isang nasirang relasyon, mas makakapag-move on ka kung itutuon mo ang sarili mo sa ibang tao upang hindi maramdaman ang sakit (syet ang lalim!). Maganda rin na kausapin ang ibang tao para naman malaman mo na hindi ka nag-iisa na may kadamay ka sa hirap at ginhawa. Chos! Alamin ang mga nagyayari sa mga kaibigan at kapamilya mo. Makipag-usap ka. Kahit sa mga hindi mo kilala. Tiyak ko sayong sasaya ka. Tama na ang pagkausap sa sarili. Baka sa iba ka mapunta nyan ee. Concerned citizen lang. :))
  4. Count your Blessings. Kung nababasa mo tong post kong to, napakaswerte mo na. Dahil sigurado akong meron kang internet connection at marunong kang gumamit ng tumblr. Bongga! Angat ka na sa kalahati ng populasyon ng buong mundo. Isipin mo ang mga meron ka na wala sa iba. Damit. Pagkain. Tubig. Bahay. Pamilya. Kaibigan. Kung ano man ang nagpapalungkot sayo, alam kong mas maraming bagay ang makapagpapasaya sayo. Mahal ka ni Lord! :)
  5. Mentally Murder People. Parang ang positive-positive ng mga pinagsasabi ko sa una tapos tuturuan kita ng bad. Dibale minsan lang naman ako maging bad influence. Tama yang nababasa mo. MENTALLY MURDER PEOPLE. Yung mga taong nakakapagpakasakit sayo, patayin mo na… pero sa utak lang ha? wag yung totoo, bad na yun. Minsan kasi, kailangan din natin to, hindi naman pwedeng palagi nalang tayo mabait lalo na kung tayo ang laging nasasaktan. Kung tao ang nakakapagpalungkot sayo at gustong gusto mo din siyang saktan... go ahead! Saksakin, baliin, balibagin, tadyakan, hiwain at ihawin mo na yan sa utak mo. Kung anong karumaldumal na pedeng isipin. Gawin mo na. Wag lang lalabas aa. Sa utak mo lang dapat lahat yan. Ikaw at ang sarili mo lang dapat ang nakakaalam sa krimeng iyong ginawa. Pero sa totoong buhay, karma is a bitch. Hayaan mo nalang. Kakarmahin din yan. Maniwala ka sa akin at sa kumakaway na pusa. :))

Sabi nga ng kaibigan kong matalino pa kay Einstein, “Happiness is choice, you alone can choose to be happy”. Kaya piliin maging masaya. Gusto kong maging masaya ka kasi naniniwala akong overpopulated na ang mundo ng mga malulungkot na indibidwal, dadagdagan pa ba naten sila? :)) Live. Laugh. Love. Ciao! – Monike :))      

Lunes, Mayo 21, 2012

Baliw ka ba? Weh hindi nga? :)))


Baliw ka ba? Adik ka ba? madalas yan tinatanong sayo ng loka-loka mong kaibigan. Maaring natatawa ka lang kapag tinatanong niya yan sayo at malamang ay may kasamang batok sa kaibigan mong nagtanong. Pero, malay mo, baliw ka nga? hindi mo lang alam. Sabi ni nga ni Pareng Albert Einstein “A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?”. Tignan natin kung naging baliw ka nga once-upon-a-time:

Paranoid  - Natanong mo na ba sa kaibigan mo kung may naririnig syang masama about sayo? o may narinig siyang sinabi ng ibang tao (maganda man o hindi) about sayo. Lagi mong iniisip kung ano ang nalang ang iisipin ng ibang tao tungkol sayo. Minsan naman sumakay ka sa jeep at feeling mo talaga yung katapat mong lalaki ay maya-maya lang sisigaw na ng HOLDAP! Minsan pa, naglalakad ka na pauwi tapos madilim tapos lahat ng kasalubong mo feeling mo rapist o kaya holdaper kaya hinahanda mo na lahat ng deadly weapon sa bag mo at napapabilis na din ang paglalakad mo. Teka lang teh relax relax din, BP mo. ((:

Schizoid – May time din sa buhay mo na parang may sarili kang mundo. May pagka-autistic lang ang trip mo sa buhay. Kinakausap lang ang mga halaman, hayop at higit sa lahat ang hangin. Masaya ito dahil kakakausap mo sa kanila, parang sumasagot na din sila (uyy, narinig mo yun? Shet). Minsan naririnig din ito ng mga kasama mo sa bahay, kasi minsan napapalakas ang pagkausap mo sa sarili. At pag tinanong ka nila ng “Ano?” nasasabi mo ay “Walaaaa, ang ganda mo, bingi ka lang..” palusot kunwari. :)

Anti-Social – Eto yung mga part ng buhay mo na ayaw mong kumausap sa kahit ano. Mapa-tao, hayop, bagay, sarili, o alien mong kapitbahay. Kailangan ng katahimikan dahil maglilista ka ng “NOISY”. Magkukulong sa kwarto, papatugtog ng music (MALAKAS), at magpapramis sa sarili na hindi na magpapakita muli sa outside world ngunit mabebreak mo naman ang pramis mo pag tinawag ka na ng nanay mo upang kumain. Wala lang, trip mo lang magemote kasi walang “nakakaintindi” sayo. Minsan kahit sarili mo hindi mo maintindihan. Anlabo mo. Eto blade. Echos! Wholesome tayo! J

Borderline – Eto yung sobrang hyper ang feeling mo na lahat gusto mong gawin na parang nakadroga. YOLO ang peg mo sa buhay. Gusto mong magskydive sa Taal, magparasailing sa Bora, magrapel sa Banawe at magswimming sa dagat ng basura (kuuu!). Lahat gusto mo gawin! Hyperactivity is the best policy ang motto mo sa buhay. Minsan enjoy, minsan gusto mo batukan ang sarili mo kung bakit mo naisip yun, Pero wala ka magawa kasi adrenaline hormones mo ang nagdiktang gawin mo yun. :)

Histrionic -  Eto yung time na naging masyado kang vain. Picture don, Picture dito. Minsan pare-pareho lang naman ang angulo, hindi nagbago ang itsura, pero picture pa din ng picture. Eto rin yung mga times na gusto mo ikaw ang center of attention at madalas nakikita ito sa iyong pananamit. Minsan trip mo yung damit na kakaiba, cool at astig kasi gusto mong tinitignan ka ng ibang tao. Ala-Lady Gaga ang dating. Ganda mo teh!

Dependent – Eto yung mga times na nagiging dependent ka sa mga decision mo sa buhay. Yung tipong tatanong ka ng kaklase mo “Papasok ka ba?” ang sagot mo ee, “Papasok ako kung papasok ka”. Kaboom! Ayaw mo din ang nagtetake ng responsibility kaya naman kapag nagtanong si teacher kung sino ang magvovolunteer dali-dali mong tinuturo ang katabi mo sa upuan, minsan isisigaw mo pa ang pangalan ng nasabing kawawang kaklase (malas lang friend!). :)

Obsessive Compulsive (OC-OC) – Naalala mo nung pumunta ka ng SM tapos pagtatapak ka sa tiles, kailangan yung paa mo hindi sasagi sa lines? kailangan nasa gitna siya ng tiles kasi… kasi… OC-OC ka! Minsan nasapian ka na din ng masamang espiritu at nilinis mo ang kwarto mo.. ng Bonggang Bonggang. Bawal ang dumi. Bawal ang kalat. Bawal pumasok ang nakababata mong kapatid (Chaching!). Pati yung apo ng germs na napatay mo na gusto mo din huntingin. Pagkatapos mo, ang linis linis ng kwarto mo, at mauulit ang pagsapi ng espiritung ito sa next life mo na. :))))   

Nga pala PERSONALITY DISORDERS yang mga title na yan. Baka sabihin mo nagjojoke lang ako ee. Kahit isearch mo pa. Nangyari na ba ang iyan o ang mga iyan sa buhay mo? Hala. Mag-ingat-ingat. Sabi nga ng Exboyfriend kong si Rob Thomas, “I’m not crazy, I’m just a little unwell”. Baka UNWELL ka lang din. Dibale balita ko, madami pa naman daw rooms sa Mental sa Mandaluyong. Chos! Normal ka pa naman. Kaso wag lang masobrahan ha? kundi nakooo. Baka maging roommates tayo dito sa Loob. Hahaha. Ciao! ~ monike ((: 

Huwebes, Mayo 17, 2012

Kung ako may 1 Billion...Ipangagatong ko ang pera!



Naisip ko, taghirap nanaman ako sa pera. Dati nung may work ako, tuwing 15 at 30, iniisip ko na kung ano ang bibilhin ko, or sino ang ililibre ko. Pero ngaun, wala akong trabaho = wala akong pera. Nakakahiya naman humingi sa mga magulang ko ng panlabas-labas ko (oo dadating ka din sa kalagayan ko!). Pero ayoko magtrabaho, may gagawin ako sa buhay. (Di ko pa nga lang alam kung ano, Echos lang J). Kaya naman naisip ko pano kaya kung magkaroon ako ng 1 billion, tapos kaylangan kong gastusin sa isang araw lang. hihihi. Yemen ke nemen. Ano bibilhin mo? ako eto: (Top 3 lang –baka isang manila paper pag sinulat ko lahat ee. kkkkk~ )

1. Franchise ng Jolibee – Matagal ko na to pangarap. As in 6 years old palang ata ako, pangarap kong magkaroon ng jolibee sa ilalim ng bahay namin. Para everday bee happy, hindi ko na kailangan magantay ng sabado, pati na rin ng lingo. Gusto ko yung magigising ako sa amoy ng nilulutong burger at chicken joy. haaaaaayy sarap :)


2. Ducati 848 evo – Gusto ko nento kasi… gusto ko (bakit ba? walang basagan ng trip sa buhay). Tulad ng gusto mong iPhone4s (na wala ako), MacAir (na wala din ako), DSLR (na wala din ako) at Lamborghini (na lalong wala ako). Nangangarap ako ng Ducati 848 evo. Mukang masarap sakyan kahit na naniniwala akong prone sa accidents ang mga motor. Minsan lang naman ako mangarap. Lulubos lubusin ko na :)

3. Charity House para sa mga Special Children – gusto ko tumulong sa mga special children cause they have a special place in my heart (kasi special child din ako!). Nung nasa school pa ako, nagkapagserve kami sa mga abandoned special children L, nakakaloka yun, masayang masaya makipaglaro sa mga special children. Sobrang nakakapagod pero pag nakita mo sila masayang-masaya at hahalikan ka pala ng puro lawaylaway nakakawala talaga ng pagod. Nakakadurog ng puso kasi may kapansanan na nga sila, iniwan pa sila ng mga magulang nila. Sila ang dahilan kung bakit bawal akong maging ungrateful at malungkot. Emo teh?!  :)   

Hayyy sarap mangarap. Sana may 1 billion ako tulad ni Bruno Mars. Ikaw anong gagawin mo pag may 1 billion ka? sagot ka naman. gusto ko malaman. Ciao! - monike :)) 

Lunes, Mayo 14, 2012

Ang Ducati ng Buhay ko :))


Nagbike ako kanina at masasabi kong isa iyon sa mga paborito kong gawin sa buhay. *Patugtug ang Drive by Incubus* May pasak na earphones ang tenga, tumutugtog ang paborito mo kanta, Malakas ang hanging dumadampi sa mukha, paa mong nagpepedal sa mekanikal na metal, mga taong tumatabi kapag dumadaan ka at adrenaline rush kapag hinahabol ka ng aso. (:

Naalala ko yung una kong bike. Green ang kulay niya. At BMX ang tatak (BMX = Ferrari ng bike). Cool. Lalong cool kasi may dalawang extrang gulong sa likod. Four wheel drive. Super Cool talaga. Ang yabang yabang ko pa magdrive non. One hand. No hands. Keribels.

Di naglaon tinangal yung training wheels ko. Ilang beses ako bumagsak. Nagkagasgas. Nagkasugat. Sumemplang. Pero dahil don Natuto akong magbike. Magbike ng totoo. Mas masarap. Mas cool.

Hangang lumiit na yung bike, hindi na kasya yung tuhod ko. Mountain bike naman. Eto lang naman ang masasabi ko, mas masarap magdrive ng mountain bike kasi para kang nasa… mountain (Toinks). Antaas ba naman. Kaloka lang. At dahil mahilig ako magbike, lagi akong nauutusang bumili kung saan-saan. Ok lang kasi nageenjoy ako. (:

Ngaun ang gamit ko? DUCATI SUPERBIKE 848 EVO. Mas Mabilis. Mas Cool


Echos lang. Wala akong ganyan. Pero pangarap ko yan. Kaya Daddy Bill Gates, kung nababasa mo to? Gusto ko nyan. hihihi. (:


Masarap magbike. Tulad ng buhay. Nagkakagasgas. Nagkakasugat. Sumesemplang. Bumabagsak. Bago ka matuto. Matuto ng totoo. At pagkaya mo na, mageevolve naman ang bike mo. Another challenge. Another learning. Masarap magbike pero mas masarap mabuhay (:

Noong Bata ako...Meron Nito. :)))

Namimiss ko ang pagkabata ko. Hindi pa naman ako matandang-matanda (You know!). Pero namimiss ko yung mga bagay na nakakapagremind sa akin ng kabataan ko. Nakakapagremind sakin ng mga panahon na pinapagalitan ako kasi kailangan kong uminom ng gatas (drenk you magnolia melk pers!) at maligo (takot ako sa tubig nung bata ako, minsan, hangang ngaun. haha). Pero higit sa lahat namimiss ko yung mga maliliit na bagay na nakakapagpa-alala ng panahon na you’re-da-men-ma-men tulad ng:



1. Humpy-dumpy, sweet corn, iced gems, flat tops, chocnut, mikmik at hawhaw. Oo yung iba andito pa din pero hindi na sila katulad ng dati na lahat ng tindahan mayroon. At pag sinabi kong lahat. Ayy. LAHAT TALAGA. :)  Lalo na yung mikmik at hawhaw. Wala na talaga to ngaun. Siguro dahil ayaw na tayo suplayan ng China. *Sad with a sad face* Sa mga hindi nakaka-alam ng mikmik. Eto yung powder na nasa pak tapos may straw. Tapos pagsinipsip mo, uubo ka ng bonggang bongga. Yung hawhaw naman, eto yung parang ostya na kuya reddish-brown tapos pagbinigyan ka ng kaibigan mo dapat may question-and-answer portion. Kaibigan: “Katawan ni Pedro” Ikaw: “MACHO”. :)

2. Dahil walang internet noon. Sikat ang mga laro sa kalye. Ang mga bata noon, tagaktak sa pawis, di katulad ngaun, tagaktak sa taba na ang mga bata. ancucute! (: Sikat ang Dr.KwakKwak, Syato, Patintero, Yes/No, 7up, at madami pang iba larong involved ang balyahan ng buto-buto. :)

3. Noong bata ako, natutong akong magsugal gamit ang TEKS, POGS, TANSAN. Walang perang involved. Lakas ng loob at Pride mo lang ang puhunan. Malakas ang mga sigawan ng mga kaibigan mo pag malaki na ang taya, lalo na paglumipad na yung teks tapos “Pektus! Tsub! AKEYN!”. Kaboom. (:

4. Nakatikim ka na ba ng cherries? Eh ng cherries ng Pilipinas? Sarap diba? Tawag mo dito: ALATIRIS. Magkakastiffneck ka kakatingala kung saan may hinog na bunga. Pero Solb ka talaga. Laman tyan din yan. Pati mga bulate mo sa tyan. Solb. (:
5. Alam mo yung mga bagay na simple lang pero masaya ka na? Noong bata ako meron non. Nasa katauhan silang ng KISSES at FLOBBER. Yung kisses yung maliliit na butilbutil na mabango. At may chismis akong narinig na nanganganak daw ito (Nasan na kaya ang mga apo ng kisses ko dati?). Meron pa nga akong kaibigan, kinakain nya daw to. KINAKAIN. tsaran! (: Tapos yung flobber yung green na slimy-slimy na… na… hindi ko na maexplain. Basta flobber. bow (:

At last but not the least…   
6. Namimiss ko yung vitamins noong bata ako. Hindi lang basta vitamins. Kasi FLINSTONES vitamins ang aken (wala ka dyan!). Pinaglalaruan ko muna yun bago ako uminom ng vitamins. Kaya siguro ako tumangkad ng ganito. (:  

Masaya sana kung mababalik yung bagay na yan. Pero mas masaya kung mababalik yung mga memories at ang pagkabata ko. Haaay. Those were the days ma men! (((((:       
Images credit: 

Linggo, Mayo 13, 2012

Para sa mga Future Nurses na Magtatake ng NLE :)



Malapit nanaman ang nursing board exam at madami-dami din akong mga kaibigan na magtetake ng nursing board exams ngaun (nginig!). Nung ako nagtake, naghalu-halo na ang lahat: takot na bumagsak, low-selfesteem, parang wala akong pinag-aralan sa BUONG college life ko, saya sa review, katuwaan ng barkada, sana-bukas-na-ang-board-exam feeling at walang hangang panalangin kay Lord God na pumasa ako. Masaya ang magreview, feeling mo lahat ng billions ng neurons mo kelangan magtrabaho. Keriboom-keriboom. Nakayanan nga namin, Ikaw pa kaya? Kayang kaya mo yan. Pero may tips KAMI para sa inyo (yes, kami, kasi kasama ang mga kaibigan ko sa paggawa ng blog na to). Eto na: (Playing Symphony No.9 ~ Beethoven)
Tip 1: Mag-aral ng mabuti. Hindi ko sinabing aralin mo ang lahat. Basta kung ano ang inaaral mo ngaun, Aralin mo ng MABUTI mapa pedia, medsurg, ob, laws, management, psych, o walang kamatayang RESEARCH pa yan, dapat walang peboritism. Wala kang madudukot kung wala kang isusuksok. Kaya para may madukot sa iyong “STOCK” knowledge, kailangan mong mag-aral. mag-aral ng MABUTI. bow.
Tip 2: Wag mo isipin na kaya mong aralin ang LAHAT. Pwera nalang kung tropa mo si Brunner at Suddarth. Cge gorabels lang! Pero sa mga normal lang na tao gaya ko, hindi kailangan LAHAT alam mo. Parang pagkain lang yan pag fiesta, lahat dapat TIKMAN mo, pero hindi mo kailangan ubusin lahat ng handa (Pwera nalang kung sa bahay nyo ang handaan!). :)
Tip 3: Mag-aim na mag-Top sa Boards. Walang masamang mangarap, yan na nga lang ang libre. At kapag mangarap ka dapat lubos-lubusin mo na, na parang libreng pisbol! “Always aim for the STARS, even if you miss, you’ll land in the MOON”. Mag-aim na magtop kasi kung hindi ka man maging top ang pinakamababang babagsakan mo ay MAKAKAPASA ka, eh kung magaaim kang pumasa LANG, baka sa taniman ng talbos ng kamote ka bumagsak.  
Tip 4: Kung hindi mo alam ang sagot sa no.1. Ok lang yan. Wag ka muna umiyak. Pag no.2, hindi pa din, ok pa din. Pag no.3, hindi parin mahalukay, Isipin mo nalang yung katabi mo, hindi rin nya alam ang sagot. hihihi. Pag no. 4, wala pa din, teka simulan natin “Hail Mary…”. Pero seryoso, sa unang exam ata pang no.17 na ata bago ako nakasagot na sure na sure ako na tama ang sagot ko. At isa lang yun sa buong exam. HAHAHA. Wag mag-aalala may kasama ka. :)
Tip 5: Kung hindi mo talaga alam ang sagot sa isang no., try mo muna magskip. Kung binalikan mo na tas ayaw pa din umilaw ng tamang sagot, try mo ang matagal mo na ginagamit. Dasal, hindi. Mangopya? hindi. Kodigo? hindi. Eenie Minie Maynimow? SAPUL! :)
Tip 6: Ihanda ang sarili sa lahat. Parang boy scout, dapat lagi kang prepared! Ihanda ang monggol #2, tasahang mabuti, matulog ng maaga, jumebs at umihi bago ng exam at CONFIDENCE is key to success lagi ang motto. Wag kang kakabahan, relax lang. Breathe in Breathe out lagi. Isipin mong 4 years ka nagaral para dyan at kapareho lang yan ng mga naging exam mo na sa school.
at lastly…
Tip 7MAGDASAL. Humingi ng tulong sa Nagbibigay ng lahat ng katalinuhan. Naniniwala akong ang pagdadasal ay nakakabigay ng malakas na Powers. Kasama mo si Lord sa pagtupad ng mga pangarap mo sa buhay kaya naman walang masama kung magdadasal ka para iguide ang lapis mo sa pagpili ng tamang sagot at minsan umiilaw pa ang tamang sagot, ang galing ni Lord! :) (galing to sa tips ko sa pagtake ng nmat!)
Anyone can give up, it’s the easiest thing in the world to do. But to hold it together when everyone else would understand if you fell apart, that’s true strength.” Mahirap ang NLE, sobrang hirap. Bawal ang gumive up! Oo, mas mahirap ang lumaban. Pero gorabels lang. Kayang kaya mo yan. Kaya nga namin ee. At pang 700k na nars na ako ng Pilipinas! Laban lang kapatid! :)  *Freude, schöner Götterfunken, Tochter aus Elysium, Freude, schöner Götterfunken, Götterfunken!* TUGSHUNG TUGSHUNG!!!

Biyernes, Mayo 11, 2012

Hey Mama! Happy Mother’s Day :))


*Based on a true stories* (Warning: Baka ma-cheesyhan lang kayo, cheesy ako ngaun ee!)
Dahil malapit na ang mother’s day, naisip ko tuloy ang nanay ko. Halangan naman tatay ko diba? *Cyber batok Monike* Pero Seriously, Lablab ko talaga ng super bonggang bongga ang nanay ko. Kasi andami dami nya alam, kung hindi siguro sya full-time mother at part-time businesswoman siguro eto ang mga naging trabaho nya: 
Chef
Naging chef na ang nanay ko kasi nakakaimbento siya ng kung ano-anong recipes at inperness kay madir… MASARAP sya ha? Recommended! Ako:*tumikim ng ulam sa lamesa* “Mama, sarap nito ahh, Anong Luto to?Mama: “Uhmmm, Chicken…ala Mama” *Smile*. Ako: *tumbling* “Yamyamyam!”. Eto lang naman ang masasabi ko sa inyo, kapag nagluto si inay ay purihin ito, kasi win-win situation yan. Tataba na ang puso ng mama mo, mabubusog ka pa palagi, kasi gaganahan siya magluto palagi baka mapalitan niya pa si Chef Boy Logro! Yamyamyam! :)
Fashion Consultant
Naging fashion consultant na siguro ang nanay ko, pero ginagawa pa din naman nya yan, PALAGI. Ako: “Ma, Ok ba tong suot ko?” Mama: “Panget, mas bagay sayo yung pink”. Kahit ayaw mo magpalit at feel na feel mo ang suot mong damit, malakas ang opinion ng nanay mo according sa fashion sense nya, tropa kaya niya si Tyra Banks at Heidi Klum. Maniwala ka saken! :)
Guidance Counselor
Lahat ata ng nanay o magulang takbuhan ng mga anak na naguguluhan sa buhay. Ako:“Ma, anong kukunin ko sa college, gusto ko maging Engineer!”Mama: “Ikaw, pero kung ako sayo, magNunursing ako”. Oo, isa ako sa mga anak na napasahan ng pangarap ng mga magulang. Pangarap ng nanay kong maging nurse at ako ang tumupad niyon para sa kanya. Masaya na din ako kahit gusto ko talagang maging Engineer, sana. Pero iba ang saya nya nung matupad ko ang pangarap nya. Sarap! Kaya mga babies kong abo palang sa langit, magiging engineer kayo. hihihi. :)
Doctor
Nanay ko ang no.1 na doctor para saken. Kahit Registard Nars ako, sa kanya pa rin ako nagatatanong kung anong magandang gamot na inumin.Ako: “Ma, ansaket ng ulo ko” Mama: “Naku, uminom ka na ng Biogesic”. Minsan kahit sa lahat ng gamot, Biogesic lang ang alam ng nanay ko, iniinom ko pa din. Wala man syang Physician’s License, matindi naman ang years of experience nya pagdating sa pagrereseta ng gamot. Minsan nga naisip ko, baka may ibang napainom saken ang nanay ko, anak mo ba naman ay baliw-baliw lang teh? :)
Talk Show Host
Fact: May tindahan kami. Another Fact: Pag may tindahan kayo madaming bumili. Bonggang Fact: At pag may tindahan kayo at madaming bumibili, hindi mawawala ang CHISMISAN :)) Masaya sa tindahan namin kasi madaming chismis na nasasagap. Alam lahat ang mga nangyayari sa baranggay at walang pakialam sa kung magkakaworldwar3 na dahil sa China. Kung gagawan nga ng Sunday show to siguro talkshow host ang nanay ko, ala face-to-face at the buzz. :)
Hindi ako makikipag-argue sa inyo kung kanino ang the best na Ina dahil sabi nga sa Coke Commercial “Lahat ng Ina, THE BEST”. Pero ilalaban ko sa Super Cool Awards ang nanay ko! Thank you ma, sa lahat-lahat. I love you so so so much! Sana may BLOG ka din, Para Ifofollow kita :) Ciao! ~ Monike

Huwebes, Mayo 10, 2012

Kwentong Hotdog! :))


Madami nangyayari kapag madaling araw na. Lalo na sakeng insomniac at mabaliw baliw na dahil hindi ko alam kung pano ako makakatulog. Aswang mode palagi. At pag hindi ako makatulog, ako ay… tadaa. KUMAKAIN! Kala mo kung ano aa. Bad cheetah! Ganito ang dialogue sa bahay naming tuwing madaling araw:
Bunso: Ate, nagugutom ako, ikaw ba?
Ako: Uhmmmmm. *Tingin sa kaldero kung may kanin* Oo.
Bunso: Ate, magluluto ako, ano gusto mo?
Ako:  The ever peborit… HOTDOG! *smile*
Bata palang ako, may hotdog na. May maliit, May malaki, May cheese sa loob, May wala, May footlong, at may gawa sa totoong aso (echos lang! doglover ako!). Pero hindi ka ba nagtataka, sa kinatagal-tagal ng pagkain mo ng hotdog, hindi mo alam kung saan to gawa? Ako Oo. Nagtataka. Teka. Gulo ko. Ah basta, niresearch ko kung saan gawa ang peborit nating mga bata: ANG HOTDOG.

Ayon sa kumpare kong si Wikipedia ang Ingredients ng hotdog daw ay:
  • Meat trimmings and fat – na pwedeng baboy o baka, depende sa klase ng hotdog na kinakain mo. Meron ding specials na  turkey, chicken o vegetarian meat substitutes,
  • Flavorings, such as salt, garlic, and paprika – alam ko yung salt at garlic, pero paprika? paprika? kumakain pala ako nun, kala ko pang susyal lang yun ee. :)
  • Preservatives (cure) - typically sodium erythorbate and sodium nitrite – ay naloka na ako dito. Parang mimulto ako ng Chemistry ko. Huwaaaag po!

Ayun naman pala ang ingredients ng Hotdog. See? Walang totoong aso dyan. According sa pagreresearch ko pa, ang normal na hotdog ay mayroong 148 calories, tapos may 18 g of fat. Bongga! Tapos eto pa galing sa livestrong.com “Hot dogs contain some beneficial nutrients. Pork hot dog has about 9 g. Hot dogs contain less than 2 g of carbohydrates, no fiber, small amounts of sugar and a trace amount of iron. All hot dogs all have trace amounts of some B vitamins, no vitamin C and a small amount of folate. Hot dogs have between 380 and 513 mg of sodium per serving, making the hot dogs a high sodium choice.” Ayun naintidihan mo? berigud.

Superb! Masarap na, may nutritional benefits pa! Solb na ang mga bulate ko sa tyan. Haaaayy, Sarap talaga ng hotdog! Syempre kids LIKE ME can tell!!! Ciao – monike


Image reference: 
http://s3-media4.ak.yelpcdn.com/bphoto/DVTWBcIymxJqxU-7722m-Q/l.jpg

Miyerkules, Mayo 9, 2012

Hidden Lessons sa Nursery Rhymes


Kanina lang may bumili sa tindahan namin ng Chuckie, Nanay at bata. Paborito ko din yung Chuckie noong bata ako, pero hindi ako masyado nakakainom nun dati kasi: 1. Mahal siya at 2. Mahal talaga siya para sa baon ko. Pero alam mo kung ano talaga ang paborito ko nung bata ako? Chuckie? Hindi. Paborito ko yung mga nursery rhymes and nursery songs *smile*. Lumaki ako, na tuwing umaga maririnig mo yung cassette na humihiyaw ng “Puff the magic dragon, live by the sea!” at “Three blind mice, Three blind mice, See how they run, See how they run, sdjhsajkhdfkjashdfkjdhask (hindi ko na alam yung lyrics), Three blind MICE!” Solb. :)

Sabi nila ginawa ang mga nursery rhymes at songs para turuan tayo ng aral. Alam mo bang may mga hidden na aral ang mga nursery rhymes na paborito mo dati? At ipinapractise mo pa ang mga aral na to ngaun. Tignan natin kung tama ako.

Hidden Lessons sa Nursery Rhymes:

1. Insy-Winsy Spider – tinuruan tayo ni Insywinsy Spider na pagkatapos ng ulan ay may Pag-Asa. Nakanang Spidey! Tinuruan din tayo ni super spidey maligo sa ulan at ng never failing motto na “Try and Try until you succeed!”.

2. Jack and Jill – syempre sinabihan tayo ni Jack and Jill na Mag-ingat lalo na pag bumababa ng Hill. Ang hindi mo alam tinuruan din nila tayo ng tumambling pag may problema. Bongga! At si Jack and Jill din ang patron ng mga batang gusto ng maagang lovelife. Para san nga naman si Jack kung walang Jill, and vice versa? Diba? ;)

3. Little Teapot – Nag-away pa kami ng kaibigan ko sa nursery rhyme na to. Itatago ko nalang ang pangalan niya baka abangan ako sa kanto namin ee, and-it-goes-like-this:


Kaibigan 1: “I’m a little teapot, short and spout!”
Ako: “STOUT!”
Kaibigan 1: (with much conviction) “I’m a little teapot, short and SPOUT!”    
Kaibigan 2 at Ako: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Back to the lesson, syempre tinuruan tayo ng teapot ng… parts ng teapot (wala akong maisip na iba ee). Tinuruan din nya tayo kung pano unang kiligin sa pwet (naalala mo yung actions?), at special lesson mula sa kaibigan ko, na makinig sa tamang lyrics habang bata pa. :)

4. Ten little Indian – Tinuruan tayo ng ten little Indian na unang magbilang… ng mga nangIIndian. Kung may kaibigan kang laging nagiiwan sa ere, baka idol niya ang Ten little Indian Boys. Rock on!

5. Humpy Dumpy - Tinuruan tayo ni Pareng Humpy na tumulong sa mga Nangangailangan. At tinuruan din niya tayong huwag masyado magpataba, kasi hangang ngaun naniniwala akong mataba lang si humpydumpy at niloloko lang ako ng teacher ko nung sinabi nyang Itlog daw si Parekoy, Mag-exercise at Magmaintain ng tamang timbang para naman all the king’s horses and all the king’s men can put YOU back together again. :)






6. Leron Leron Sinta – dito ko nalaman na may Buko ang Papaya. may Buko. ang Papaya. Labo! Pero ang totoong lesson ay mag-ingat daw sa pag-akyat ng puno (diba pareng Bino? Listen.), at kapag malabo na ang usapan ay tadaaa, HUMANAP NG IBA! Siguro motto to ng Ex ko, whatdayathink? haha :)

And last but not the least.    

7. Si Nena – alam mo yung kantang “Si Nena ay Bata pa, kaya ang sabi nya ay ‘Uh, Uh, Uh, Ah, Ah!’”. Hindi? Nako. You missed half your life! Isa yan sa mga popular songs nung bata ako. Mas sikat pa sa LadyGaga Songs ngaun. At ito ang nagturo saken ng lessons na Innocence at Life Cycle ng Tao. At syempre hindi matatawaran ang impluwensya saken ni Nena na sa bawat stage ng buhay mo ay masasabi mo ang ‘Uh, Uh, Uh, Ah, Ah!’. Ulitin naten ‘Uh, Uh, Uh, Ah, Ah!’. Ayan nasabi mo na, balik ka nalang ulet pag next stage na ng buhay mo. *wink*

Sabi nila ginawa ang mga nursery rhymes at songs para turuan tayo ng aral, at madami nga ako natutunan bukod sa obvious na sinasabi ng mga nursery rhymes. Masayang balikan ang mga araw kung saan walang ibang problema kundi ang pagpili ng crayolang ikukulay mo sa buntot ng kabayo. Nag-enjoy ka? Ako din. Sige mga bata, till next time! Ciao. – monike 

Images References:




Don't Try This at Home: Professional Curious lang ang Gumagawa :))


Isa ako sa mga tao na natural na curious sa mundo. Noong bata ako natutulig saken ang mga magulang ko dahil sa kakatanong ko. At ang motto ko sa buhay ay i-TRY ang lahat: (huwag lang yung mga extreme ha? tulad ng drugs. tambucho pede pa). Kaya naman kagabi sa sobrang pagka-curious ko, napagtripan ko ang laman ng ref namin at ang unang-unang kong nakita? ALAK.

Hindi ako astig, Hindi ako cool, kaya naman hindi pa ako nalalasing sa tanang buhay ko. Kung ang mga ka-age ko ay marunong ng gumawa ng tao, kung ikokompara sa kanila, baka mga 3 years old lang ako ganun (uyy batang-bata!). Kaya naman naisip ko na inumin ang alak sa ref para maramdaman ang feeling ng pagiging cool at astig. At eto ang mga realizations ko:

Top Reasons Bakit Masarap Uminom:
  1. Para kang nasa Heaven – Lahat  umiikot, lahat gumagalaw. Para kang nagtime-space-warp papuntang Mercury kasi ambilis ng ikot ng mundo mo. Feeling mo nasa Heaven ka kasi parang lumulutang. Lumulutang ang kaluluwa mo. Astiggggg!
  2. Nagiging madaldal ka – depende siguro to sa tao pero saken para akong sinapian ng kung anong espiritu at ang kawawang biktima ay bespren ko. Natuwa ang bespren ko kasi natadtad sya ng messages habang nasa work siya (callcenter kasi sya nagwowork) as in 30 messages ang nasend ko sa kanya. Nasabi ko na ang mga problema ko sa buhay pati ang problema ng kapitbahay namin at ng mga tropa kong sina Einstein at Newton. Tuwang-tuwa ang bespren ko saken kasi para daw akong baliw (bakit bespren, hindi pa ba?), muntik na daw sumabog yung phone nya. Cool!
  3. Nagiging Manhid ka – Eto ang supercool talaga. Nagmanhid ang mukha ko. Tapos hindi ko maramdaman yung mga kamay ko at paa ko. Date nagyari na ata saken to nung nakausap ko si Johnny Depp, echos lang, hindi pa nangyayari saken to kaya naman masaya ako sa experience na to. Manhid ka sa lahat, manhid ka sa nararamdaman mo, sa mundo, sa sarili mo. Drama ng Lola mo teh! Tagay pa pare!

At syempre may other side of the story: Tadaaa.

Top Reasons Bakit HINDI Masarap Uminom:
  1. Aftermath ng Kadaldalan mo – at syempre dahil sa kadaldalan mo lahat sinasabi mo ng hindi nagiisip. Hindi na pwedeng bawiin. Kaya ang payo ko lang naman ay kelangan mong piliin kung sino ang magiging kainuman mo para maiintindihan nila ang mga pinagsasabi mo. Kahit ALIEN language na ;)
  2. Masakit ang ulo mo after -  sabi sa nabasa ko dati, nakakamatay daw ng 1000 neurons ang isang baso ng alak (nakalimutan ko na kung saan ko to nabasa basta kunwari naniniwala ka.) Pero may billions ka namang neurons. Eto lang naman ang theory ko dyan, siguro nung namatay yung 1000 na neurons mo, naglamay at ng coffee party pa yung iba kaya stop ang production ng utak mo.  Waley lang.
  3. Magsusuka ka – yun lang bow.

Sa lahat ng bagay may good side at bad side kaya iweigh muna ang mga bagay-bagay lalong lalo na sa paginom ng alak. At mga bata, don’t try this at home. Pawang mga Propesyunal lamang po ang gumagawa. Propesyunal na Curious – monike 


Images references:
http://2.bp.blogspot.com/_iE1AbmWs1Dl8/StwIvpwZu7I/AAAAAAAABSA/br3qr1BWI9Y/s320/The+BaR+Apple+Vodka+Product+Shot.jpg

Martes, Mayo 8, 2012

Ikaw ba ay may SUPERPOWERS?? Meron! :))


Naniniwala ka ba sa superpowers? Naniniwala akong lahat ng tao ay may superpowers lalong lalo na yung mga nasa nag-aaral pa. Napatuyan kong tama ang mga paniniwala ko sa 20 years na nag-aral ako. Tignan natin kung meron kang superpowers gaya ko:

  • Telepathy – ayon sa kaibigan kong si Wikipedia ang telepathy daw ay “Transfer of information on thoughts or feelings between individuals by means other than the five classical senses”. Siguradong sigurado ako nagamit mo na itong superpower na ito habang nageexam ka. Naalala mo na kinakausap mo ang matalino mong kaklasmate sa pamamagitan ng utak na ibigay sayo ang tamang sagot? Uyy naalala nya. Nag-uusap din kayo ng bespren mo sa na gamit ang utak lang, yung tipong tingin palang nya, alam mong hindi din nya alam kung ano yung ineexam nyo, at wala kang mapapala sa kanya. Alam na! 


  • Precognition -  eto yung superpower na nalalaman mo na yung mga future na mangyayari. Maliwanag na maliwanag na nagagamit mo ito pag nageexam kasi kakabigay palang ng exam naisisigaw mo na “Sabi ko na nga ba, Ito ang lalabas ee!!”. At minsan kung ano pa yung naforsee mo na lalabas sa exam yun pa yung hindi mo napag-aralan! Minsan sobrang lakas ng superpower mo na ito kasi nafoforsee mo din na hindi matutuloy ang exam nyo kinabukasan lalo na kung hindi ka nakapag-aral. At hindi nga tuloy ang exam! Cyper Apir! ;)


  • Clairvoyance – ayon ulit kay pareng Wiki ito daw ay “Obtaining information about places or events at remote locations, by means unknown to current science” kung naintidihan mo, paki-explain nga saken, dugo ba naman! Echos lang. Eto daw yung alam mo ang mga nangyayari kahit wala ka sa pinangyarihan. Malakas ang power na ito sa Pilipinas, kasi dito ang balita may pakpak at ang lupa may tenga. Kung ikaw ay estudyante, alam mo na may surprise exam ang teacher mo, kahit hindi nya pa ito nasasabi sa klase! Super ka na talaga! ;)

   
  • Psychokinesis -  Eto yung napapagalaw mo daw yung mga bagay bagay at madalas hindi mo alam. Maniwala ka sakin. Meron ka nito. Sure na sure ako. At ang item na laging na nagagamitan mo ng superpower mo na ito ay ang iyong, tadaa! CELLPHONE. Hindi mo ba naisip kung bakit laging nawawala ang cellphone mo? Lagi mo naman itong hawak. Minsan alam mo nilagay mo sa table na sa kwarto mo, pagbalik mo, wala na si Cellphone at mukhang naglakad magisa sa kabilang kwarto. Psychokinesis yun para hindi halatang makalimutin ka na. Kunwari naniniwala ka saken. ;)


  •  Near-death experiences – eto most commonly mo naeexperience mo kapag GRADED Recitation nyo. Ewan ko ba, pero sa experience ko, nararamdaman ko kapag matatawag ako sa recitation at feeling ko talaga nalalapit na si Kamatayan sa aking upuan. Tumitigil na ang tibok ng puso ko kapag natatawag ang pangalan ko, nawawalan ng dugo ang utak ko at nakikita ko na ang Heaven. Pagkatapos ng recitation parang unti-unting bumabalik ang kaluluwa ko sa katawan ko. Near death experience talaga! ;))


  • Reincarnation – alam mong totoo tong superpower mo dahil naniniwala kang reincarnation ng ni Hitler ang teacher mong terror. Alam mo din na reincarnation ni Einstein ang kaklase mong lagi mong kinokopyahan, mapa-assignment man yan o quiz. Naniniwala ka ding kapag namatay ang pinakakina-iinisan mo sa klase o sa school ay magiging iguana ito sa Amazon. At minsan pag nageexam ka, nararamdaman mo din sinasapian ka ng mga espiritu nila pareng Newton, Webster, at Google. ;)


  • Apparitional experiences - Ito ay naeexperience mo kapag malapit na ang major exams, kasi nakakausap mo na sina Einstein, Jose Rizal at Stephen King at nagkwekwentuhan pa kayo. Minsan kung ano ano na nakikita mo dahil sa malikot mong utak, wag masyado malikot ang utak aba. Madami akong pasyenteng ganyan, nasa Mandaluyong na sila ngaun, sa loob. ;))


Oh ano? Naniniwala ka na saken? Na may superpower ka? Diba diba? Sabi ko sayo eh. 

Ngaun simulan ang pagkakalat ng lagim. Ciao! - monike