Linggo, Hunyo 24, 2012

Mga Kakaibang Gamit ng Phone Mo! :))


Kung tatanungin mo ang mga kaibigan mo kung mabubuhay ba sila kung walang cellphone, ipupusta ko ang bahay ng kapitbahay namin na sasabihin nilang HINDI. Kung dati ang gamit lang ng cellphone ay pantext at pantawag, ngayon all around gadget na ito. Hindi mo na kailangan ng ibang mga gamit dahil may cellphone ka na. Eto ang iba pang gamit ng phone mo (kung hindi mo pa alam):
Game Console – sa sobra high tech na ng mga phone ngaun sobrang high tech na din yung mga games na nalalagay. Nagumpisa yan sa Snake at Space Impact at ngaun Temple Run at Kung anu-ano pa. :))
Music Player – Halos lahat na ng phone may feature na ng music player. Kung hindi naman pwede ang mp3s ay pwede ka naman makinig sa radio. Actually eto na nga lang ang feature ng phone ko na ginagamit ko ee. Hihihi. ;))
Alarm Clock – Alam nating lahat na alarm clock mo tuwing umaga ang phone mo. Tapos pag nag-alarm siya automatic mong napipindot ang snooze button at paglate ka na nagising ay papagalitan mo ang phone mo. Mga gawain, Alam na! :)))
Salamin – Once-upon-a-time nagawa mo na ding salamin ang phone mo lalo na kung kasabay ka sa uso na touch screen na ang phone mo. Pagmalaki-laki ang glass ng phone mo (Iphone) alamin lang ang tamang angulo pwedeng pwede na itong gawing salamin. Bongga! :))
Paperweight – Pagmadami kang ginagawang paperworks at biglang binuksan ni Inay ang electric fan, magandang gawing paperweight ang phone. Madalas kong gawing paperweight ang phone ko nung nag-aaral pa ako. Multitasking ang peg nya ee. :))
Flashlight – Naalala mo yung time na may hinahalungkat ka sa bag mo at hindi mo makita kaya naman ginawa mong flashlight ang phone mo tapos pindot ka ng pindot para hindi mawala yung ilaw? tumpak. Minsan naman gabi at madilim ang daan kaya naman ang phone mo ang kasama mo at kung may makita ka pang mumu pwede mo itong ihagis o ipanhampas. Great! :))
Hindi na nga pantext at pantawag lang ang phone ngaun. Kaya ako, kahit lasog-lasog na yung phone ko, mahal na mahal ko pa din ito, at hindi ko ito ipagpapalit (pwera nalang kung bibigyan mo ako ng iphone4s) Kkkkkkkk. Love. Love ~ Monike 

Sabado, Hunyo 23, 2012

Top Ten Signs na Bored ka na! :))



Naranasan mo na bang maghintay ng pagkatagal-tagal? Syempre! :) At ito ang iyong madalas na ginagawa:
  1. Niyuyugyog mo ang iyong paa.
  2. Paulit-ulit mong kini-click ang retractable mong ballpen.
  3. Kinakagat mo ang kuko mo.
  4. Tinitignan mo ang itsura mo.
  5. Tinatanggal mo ang split ends ng buhok mo.
  6. Hinahalungkat mo ang laman ng bag mo.
  7. Binabasa mo ang mga leaflets na binibigay sa mga malls.
  8. Kinakalikot mo ang phone mo. Magtetext ng makakausap o kaya games sa phone.
  9. Tinatanggal mo ang lahat ng dumi sa katawan mo (I.e. muta, dumi sa kuko, kulangot, etc.)
  10. Napapansin mo ang mga tao sa paligid mo.
Mostly ginagawa mo yan kapag nakaupo ka habang nagaantay. Malay mo napansin pala kita nung bored ka. Ciao! ~ Monike :)) 

Biyernes, Hunyo 22, 2012

Simpleng Pangarap :))


Lahat ng tao may pangarap. Madalas nga nila sabihin na ang mangarap ang tanging libre sa mundo. At marami sa atin nangangarap na maging Billionaire tulad ni Bruno Mars o kaya naman maging E.T. tulad ni Katy Perry pero minsan may mga mutants na katulad kong may kakaibang pangarap. Eto ang aking mga simpleng pangarap:
Maging Cashier sa SM Supermarket – Bata pa ako nung una akong mangarap ng ganyan. Gusto ko kasi yung tumutunog na toooooooooot pag may siniswipe na items sa machine ng mga cashier. Tapos tuwang-tuwa pa ako dati kasi feeling ko andami-daming pera ng mga cashier. Tapos hindi mo ba napapansin na parang ang gaganda din nila? Laging naka-ayos ang mga buhok at nakamake-up. Tooooooooooot! :))
Maging Barista sa Starbucks – Gusto ko to kasi ambango bango talaga ng coffee shop para saken. Grabe. Bawal kasi akong uminom ng kape kaya naman para akong hinihipnotize kapag nakakalanghap ako ng freshly brewed coffee. Ahhh Heaven!!! Tapos parang ansosyal pa ng trabaho mo, “One cup of Cookie Crumbles for Gregoria!”. Kahit ambaho ng pangalan mo basta sinisigaw ng mga barista ng Starbucks, parang gumaganda. Haha. :))
Taga-Tikim sa Factory ng Nutella – Kung may work lang na ang gagawin lang ay taga-tikim ng nutella aba gorabells ako dyan. Actually kahit anong factory ng chocolate basta yun lang ang gagawin. Go lang ng go! Voluntary work pa ako! :))
Conductor ng Bus – Eto kakaiba kong pangarap. Nung college ako, araw-araw kong nilalakbay ang bahay to school tapos parang 2 hours ride sya tapos palagi akong nakasakay sa bus. Sa sobrang kabisado ko na yung lugar pwede ko na palitan yung conductor ng bus. Naisip ko na din mag-apply nun kasi balita ko 10% daw ng kita ng bus ay sa conductor (Hindi ko lang alam kung totoo ang chismis na to). Tapos wala pa ako nakikitang babaeng conductor ng bus. Ever. Maiba lang. Hihihi :))
Maging Araro – Araro yung ginagamit ng magsasaka. Kasi meron akong kilalang gusto niya daw maging KALABAW. Hahahaha. Sasabayan ko lang ang Trip nya :)
Sana magawa ko sila balang araw (pwera lang yung araro). Pwede naman ngaun ee kaso iba na rin kasi ang priorities ko sa buhay. Aun. mananatili na lang silang mga pangarap. :))     

Huwebes, Hunyo 21, 2012

Hirap na hirap na ako :’((



Alam mo yung feeling na hirap na hirap ka na ngunit hindi mo malabas? Yung hindi ka makahinga. Masakit ang ulo mo. Naiirita ka sa lahat ng bagay. Ayaw mong tumayo. Gusto mo matulog kaso hindi mo kaya. Lahat na ginawa mo ngunit wala pa din. Ganyan. Ganyan ang nararamdaman ko ngaun. Ang hirap ng may SIPON no?
Tapos nakakahiya pa suminga ng malakas sa public. Ubos na lahat ng tissue paper sa bahay nyo. Hindi mo pa alam kung saan nagmumula ang lahat ng ito, bat ang dami dami nila? bat hindi maubos. Ayy kaloka.
Uso ang SIPON ngaun, pati yung kakambal niyang UBO tsaka pinsan niyang LAGNAT lalo na ang anak ng lolo ng pinsan ng kapitbahay nilang si TRANGKASO. Mahirap magkaroon ng mga ganitong sakit kasi hindi ka makakapasok. At pag hindi ka makakapasok ay wala kang sweldo. Kaya nga sabi ng commercial sa tv: “Bawal magkasakit!”. Kaya naman bilang isang RN (Resting Nurse) gusto kong makatulong upang maibsan ang iyong nararamdaman. Sundin itong mga simpleng payo:
1. Hydrate. Hydrate. Hydrate. Increase Oral Fluid Intake. Uminom ng madaming madaming madaming madaming tubig. Bakit? Kasi yung mga mucus na nakadikit sa loob ng lungs mo, madidisolve. Mailalabas mo na ng mas mabilis. Mahirap iexplain in layman’s term ee. Penge ngang tubig! hahaha :))
2. Ilabas mo yan. Mostly bacteria ang causes ng sipon at ubo. At hindi sila makaka-alis sa systema mo kung hindi mo sila ilalabas. Bumili ng madaming tissue paper at ilabas mo yan. At itapon sa basurahan upang hindi na kumalat ang germs. :)
3. Eat healthy foods. Dati, hindi ko talaga maintindihan bakit kung kelan ka may sakit at walang panlasa dun ka naman bibigyan ng masasarap na pagkain at prutas. Pag walang sakit, aratilis lang ang prutas sa bahay. Haha. Pero ginagawa ni Nanay ito upang palakasin ang resistensya mo at malabanan ng kawatan mo ang germs. :))
4. Rest. Kailangan ng katawan mo ng pahinga upang magawa nito ang dapat nitong gawin. Tulad ng computer mong kailangan ishutdown para hindi mo magoverheat. At cellphone mong kailangan irecharge upang hindi malobat. Kailangan din ng katawan mong magpahinga upang magfunction ng tama. Get enough Zzzzz. :))
5. Consult your doctor. Kung hindi na talaga kaya at hirap na hirap ka na talaga. Magpaconsulta na sa family doctor nyo upang malaman kung kailangan mo na uminom ng antibiotics. 
Bilang isang Nurse. Pasaway ako sa paginom ng gamot. Hindi talaga ako umiinom pag hindi talaga kailangan na kailangan na kailangan (I know. I’m bad..). Pero isa akong bad example. Kaya ikaw. Huwag mong hayaang magkasakit ka. Sundin ang aking mga payo at you will be up in no time. Bawal Magkasakit! Stay healthy! Ciao ~ Monike :))

Paano ba Tumaas ang Grades? :))


Ikaw ba ay nag-aaral pa? Gusto mo bang tumaas ang grades mo? Gusto ko lang ishare ang mga alam ko para sa mga kakosa ko dito sa net na nag-aaral pa. Eto ang mga tips para tumaas ang grades mo:

80/20 Rule. Sabi sa nabasa ko dati, “80% of what you do in school represents 20% of your grade and 20% of what you do represents 80% of your grade”. Totoo ito, ginamit ko to dati. In terms, pag-aralan ang 20% na kailangan mo pagbutihan. Alamin ang criteria of grading tapos dito mo makikita kung ano ang may malaking percent ng grade mo (most commonly, midterms at finals ito) at iyon ang pagtuunang ng matinding concentration. Yung bonggang bonggang powers mo dapat dun mo finofocus. Parang Kame-hame-wave. :))
Know your prime time. Alamin kung kelan buhay ang dugo mo at dun ka mag-aral. Ako? Isa akong insomniac kaya obviously madaling araw ang prime time ko. Dati, pag periodicals or exams (which is araw-araw sa course ko) natutulog ako ng maaga at madaling araw ako nag-aaral. Aswang lang ang peg. Ikaw din. Alamin ang oras na makakapagconcentrate ka at gamitin ito. :))
Use your Strengths. Develop your Weaknesses. For example, mahilig kang dumaldal, magparticipate sa mga recitations. Kahit mali-mali ang sagot mo, ok lang yan, ang importante tatatak sa professor/teacher mo na participative ka sa clase. Kung mahiyain ka naman pero magaling sa written, iperfect ang mga exams. Ang main point, alamin mo ang strengths mo and use it to your advantage. Para naman sa iyong weaknesses, maghanap ng kaklase o kaibigan na makakatulong sayo madevelop ang weaknesses mo. Knowing you have a weakness is a strength itself. :))
Manage your time wisely. Napaka-importante ng time management sa buhay estudyante. Magfafacebook ba ako o mag-aaral? Magtwitwitter o gagawa ng assignment? Magtutumblr o magreresearch? Ito ang mga katanungan mahirap talaga sagutin kasi pwede mo namang pagsabay-sabayin yan ee. :))) Gawin muna ang mga bagay na alam mong makakapagkonsumo ng mahabang oras bago ang mga madadaling gawain. :)
Prioritize. Prioritize. Prioritize. Gumawa ng to-do list at lagyan ng number kung ano ang mga pinakaimportante. Tandaan mong isa ka lang at hindi mo kayang gawin ang lahat. Kung hindi mo na kaya, magpatulong sa mas nakakaalam. Hindi kabawasan sa katalinuhan mo ang pagtatanong o paghingi ng tulong. Iprioritize ang importante at huwag ng gawin ang hindi. Try mo din mag multitask. Nakakaloka nga lang minsan. :))
Reward Yourself. Huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Kapag feeling mo ambait-bait mo ng anak bigyan ng reward ang sarili. Hindi naman ito kailangan bongga tulad ng DSLR or Ducati evo 848. Try mo lang yung maliliit. Kunwari pag natapos mo ang assignment mo sa math, bibilhan mo ang sarili mo ng cloud 9. Kung may natapos kang special project, reward mo ang sarili mo ng Burger Champ sa Jollibee. Pagkatapos ng hell week, magpamasahe ka or pumunta ka ng Tagaytay. Lahat ng hirap dapat may katumbas na sarap para lalo kang mamotivate. :))
Hindi talaga ako naniniwala na basehan ng talino ng tao ang grades sa school kasi masyadong biased ang school para sa mga verbal at logical intelligences at hindi nahihighlight ang ibang pang intelligences. Pero habang nasa school tayo kailangan nating sumunod sa patakaran kaya naman gamitin ang mga tips kong ito. Study SMARTER, not harder :))   
Baka sabihin mo, “Sino ba itong babaeng to na tuturuan daw akong mapataas ang grades ko?”. Ano ba ang credibility ko upang maniwala ka saken? Kasi po masyadong madami na akong nabasang libro kung paano mapataas ang grades ng isang tao at iyan ang summary ng mga sinasabi nila. Basta maniwala ka nalang. Low profile lang ako ee. Pero kung curious ka talaga. TA mo nalang ako. hihihi. Love. Love.  :)) ~ Monike 

Sabado, Hunyo 9, 2012

Mga Kailangan para sa Masaya at Hassle-Free na Outing


Nito lang nakaraang mga araw, gumala ako ng bonggang bongga kasama ng mga highschool friends ko. Pumunta kami sa Kamay ni Hesus (Lucban, Quezon) at sa Laiya Beach (San Juan, Batangas). Sobra saya ng road trip naming tropa at naisip ko kung ano ang mga kailangan sa masaya at hassle free na outing ng inyong barkada. Eto ang listahan ko:
  1. Sasakyan with chauffeur (a.k.a. driver) – magandang magrent kayo ng van kasama si manong driver na alam ang mga pupuntahan niyo kasi eto yung ginawa namin. Medyo mahal nga kung tutuusin, pero worth it naman kasi sobrang hassle free talaga ang roadtrip namin. Hindi namin inaalala kung naliligaw na ba kami kasi alam ni kuya ang lahat ng daan at pwede pa kaming matulog sa byahe. Swerte pa namin kasi si manong driver ay malakas din ang trip katulad namin kaya naman super enjoy ang road trip at bakasyon.
  2. Travel Destinations – Ayusin ang itinerary nyo. Maghanap ng mga lugar na may magandang scenery o kaya naman ay may special place sa inyong mga puso. Patunayan ang linyang “It’s more fun in the Philippines” at “Wow Philippines” sa pamamagitan ng pagpunta sa mga pinagmamalaking lugar nito. Nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa sa local tourism ng bansa. Tip ko din na iexperience ang culture sa mga lugar na pupuntahan. Huwag matakot na magventure sa mga kakaibang putahe o sa kakaibang gawain, isipin mong minsan ka lang pupunta dyan kailangan itry mo na lahat. C’mon vamanos, everybody let’s go! :))  
  3. Camera – Dapat may maganda kayong camera to capture the moments. At para din ma-upload sa Facebook upang mainggit ang mga hindi nakasama. Hahaha baaaad! Dapat laging stolen ang shots (minsan din “kunwari stolen”) para mas masaya pag tinitignan. Dun ka kasi nakakakuha ng mga real life moments kapag hindi alam ng kinukuhanan na pinipicturan pala sila. :))
  4. Money, money, money – kelangan mo din magdala ng madaming pera kaya naman pag-ipunang maigi ang mga outings nyo. Mas maganda kung magdadala ka ng over sa budget mo para sa mga emergency na bibilhin or pambili ng pasalubong. :)
  5. FRIENDS with kwento – halangan naman mag-isa ka lang magroad trip? Anlungkot naman ata nun. Mas masaya kung kasama mo yung mga kaibigan mo at magkwekwentuhan kayo habang papunta sa inyong destination. Kami ng mga kaibigan ko, di ko alam kung bakit tawa pa rin kami ng tawa kahit minsan paulit-ulit na yung mga kwento. Iba rin kapag may mga memories na kayo pinagdaanan tapos pagkwekwetuhan nyo ulet. Yung tipong nangyari na 5 years ago, kung kelan bata pa kayo, immature, at wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Masaya balikan ang mga nakaraan. :))
Kahit saan ka pa pumunta, malayo man yan o malapit, basta kasama mo ang mga taong malalapit sa puso mo, sigurado akong mag-eenjoy ka sa pupuntahan mo. Pero huwag din kalimutan ang listahan ko upang mas maging hassle free at enjoyable ang inyong mga byahe. Sa uulitin. Happy Roadtripping. Ciao! – Monike :))    

Biyernes, Hunyo 8, 2012

A Tribute to my Music gods :))

May nabasa ako dati na ginawa daw ng tao ang musika upang mailabas ang mga damdaming hindi niya kayang ilagay sa salita. Parang self-expression kumbaga ng tao ang musika. Yung mga nararamdaman mo lang minsan, sa music mo talaga nalalabas. Minsan sapul na sapul talaga sa lyrics. At ito ang mga lyrics ng peborit band ko na ginagawa kong motto sa iba’t-ibang parte ng buhay ko:

ON LIFE

“Lately I am beginning to find that I should be behind the wheel… Whatever tomorrow brings, I’ll be there with open arms and open eyes. Yeah!” – Drive ~ sinasabi dito ng mga idol ko na laging positive dapat ang outlook sa buhay. Kahit anong mangyari dapat laging ready kang tanggapin ito. Kailangan mo ding pagplanuhan ang buhay mo upang hindi matanggay sa agos ng buhay. Be in control of your life! :))

ON SELF-WORTH

“Your foundation is canyoning, fault lines should be worn with pride. I hate to say but you’re so much more. You’re so much more. Endearing with the sound turned off. “ - Talk Show on Mute ~ Dito pinapakita ng mga idol ko na hindi panlabas na anyo ang mahalaga, mas maganda ang panloob na katauhan ng tao at ivalue mo yun. You are so much more! :))

ON FRIENDSHIP

“If I turn into another, dig me up from what is covering the better part of me, Sing this song, remind me that we’ll always have each other, when everything else is gone” – People change. But deep inside, Ikaw pa din yan. Kaya kailangan naten ng magpapaalala sa atin kung sino tayo kapag pumapasok na ang ere sa ulo natin at ang umaangat ang paa natin sa lupa. At ang da best na bumatok sayo kapag nagbabago ka na ay ang mga kaibigan mong tunay. They’ll always be there for you through good times and bad times. :))

ON FAMILY

“And in this moment, I am happy… Happy… I wish you were here” – Wish you were here ~ sabi nila na dapat shineshare ang mga happiest moments natin sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay natin. Sa akin wala ng mas sasaya pa kung masheshare ko ang mga masasaya parte ng buhay ko kasama ang pamilya ko. Hindi ito dapat sinosolo para mas masaya ang life moments kasama mo dapat sa tagumpay ang pamilya mo :)) 

ON LOVE

“Love hurts but sometimes it’s a good hurt and it feels like I’m alive… And without Love I won’t survive” – Love Hurts ~ Naranasan mo na bang mainlove? Kung oo, siguro alam mo na ang love hindi laging masaya, minsan masakit talaga magmahal, pero dun mo mararamdaman na buhay ka pa pala, kasi nasasaktan ka pa (lalim, ako ba ito?!). Kailangan mo lang malaman na worth it ang sakit para sa minamahal mo. :))

“You’re a mountain that I’d like to glide, not to conquer, but to share in the view” – Black Heart Inertia ~ Grabe. Gustong gusto ko ang line na yan. At interpretation ko lang naman dyan ay kung magmamahal ka ng tao dapat yung tatangapin mo siya kung ano siya (everything, good side and bad side) at gusto mo siyang makasama sa buhay mo, at huwag mong itry na baguhin siya. Malayo? Aken interpretation yan ee. Gawa ka iyo :)))


Tinitingala ko talaga ang bandang ito pagpasawalang-hangan. Bata palang ako nakikinig na ako sa kanila. Hangang walang kasawa-sawang paulit-ulit sila sa playlist ko. INCUBUS, gods of Alternative Rock Music, mahal ko kayo. Weee. Sobrang nakakawala ng pagod pag nakikinig na ako sa music nyo. Thank you. Much Love ~ Monike :)    


Huwebes, Hunyo 7, 2012

Top 5 Reasons Bakit ‘The Best’ ang High School Friends Mo!


Random Fact: Naghigh-school ako sa typical Catholic School na pinapalakad ng mga madre. At kung nag-aral ka sa isang institusyong pinapalakad ng mga madre siguro maiintindihan mo kung sasabihin kong medyo scary sila. :)
Another Random Fact: Hindi ako cool nung highschool. Hindi ako sikat. Hindi ako crush-ng-bayan. At iniisip ko nun ay mag-aral ng mabuti (alam ko ang corny ko!). Masasabi kong isa akong wallflower with perks. :))
Bonggang bonggang Random Fact: Pero gayun pa man hindi ko ipagpapalit ang mga kaibigan ko nung highschool. At alam kong ikaw din. Sila ang isa sa mga pinakacool na tao sa mundo, bakit? kasi:
  1. May mga memories kayong hindi matatawaran. Naalala mo nung una kayong napunta sa guidance office dahil sa mga hindi malamang dahilan? :) Masaya din yung mga bloopers ng mga teachers nyo ng highschool na lagi nyong pinagkwekwentuhan. Mga school projects na sabay-sabay niyong ginawa. Mga presentations na pinag-away-awayan niyo pa. Mga pagpanalo at pagkatalo niyo sa intramurals. Mga assignments na pinagpapasapasahan lang tuwing umaga. Mga baon na share-share na pinagpapasahan habang nagkaklase. Mga tulog na ninanakaw pag hindi nakatingin ang teacher. At kung anik-anik pa. Haaaaaay. Nakakamiss :((
  2. Kasama mo sila sa mga ‘first times’ mo. Kasama mo ang mga highschool friend mo noong first time mong mag-explore sa mundo. Alam nila ang first crush mo at first puppy love mo. Sila ang kasama mo nung tinry mong first time na uminom, swerte mo pag kasama mo sila noong first time mong malasing. First time mangopya sa harapan ng teacher. First time mong magrebelde sa magulang. First time mong… ikaw na bahalang magdagdag. Alam kong madaming karugtong yan, Alam mo yan teh! :)
  3. Sabay-sabay kayong nangarap. Sa highschool mo nabubuo kung anong gusto mong maging pag tumanda ka na at kasama mo ang mga taong ito noong una kang mangarap. Pare-pareho ninyong alam na mahirap ang dadanasin ninyo sa pag-abot ng mga pangarap na ito pero kasama mo sila sa hirap at ginhawa (drama!). :)
  4. Alam nila ang True-to-Life story mo. Alam ng mga highschool friends mo kung ano ang mga nangyari kaya ka naging ganyan ngaun. May mga desisyong mas maiintindihan ng highschool friends mo kasya ng mga college friends mo. Basta feeling ko mas kilala ako ng mga highschool friends ko, kasi nakita nila kung ano ang mga pangyayari nakapagpabago ng buhay ko. Chos! :))
  5. Nakilala ka nila habang bata ka pa, immature, at walang kamuwang-muwang sa mundo. At sabay-sabay kayong magkaroon ng muwang sa mundo! Bongga! :)))
Mahal ko ang mga high school friends ko at kasama sila sa listahan ko ng mga pinakacool na tao sa mundo (kasama nila Einstein at Steve Jobs). Kaya kung highschool ka pa, ienjoy mo yan. Kung hindi na, kasama mo ako sa pagrereminisce. Masaya ang high school. At masasabi kong dahil ito sa mga kasama ko panahon na ito ng buhay ko. Sila ay mga tunay na kaibigan. ~ Monike :))

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

Mga Katanungang Nakakapagpakabagabag sa Aking Kaluluwa :)


Kinausap mo na ba ang sarili mo at nagtanong tapos kahit ikaw ay walang sagot sa iyong katanungan? Ako kasi palagi. Kaya naisip kong itanong nalang ito sayo. Tignan natin kung masasagot mo ang mga tanong ko sa buhay. Masisiyahan talaga ako ng bongga kung masasagot mo to. Handa ka na? Eto na sila:
  1. Bakit kung kelan may gustong-gusto kang bilhin dun ka walang-walang pera, tapos pag may pera ka naman dun naman nagtatago lahat ng gusto mong bilhin?
  2. Bakit kung kelan ka may dalang payong at ineexpect mong uulan ay hindi umuulan tapos pag feel mo namang aaraw ng bonggang bongga ay dun naman nagngingit sa galit bumuhos ang ulan?
  3. Bakit kung kelan mo kailangan ang isang bagay hinding-hindi mo ito makita, tapos pag hindi mo naman siya kailangan dun niya naiisip na magbelly-dance sa harap mo?
  4. Bakit kung kelan matutulog ka na dun parang ang ganda-ganda ng buhok mo pero pag may pasok ka or pag gusto mo siyang maganda dun niya trip na tumikwas-tikwas at bumuhaghag ever?
  5. Bakit kung kelan ka nanonood ng sine, dun naiisipan ng kung sinong Pontio Pilato tawagan ang phone mo? (At take note, dun pa sila tumatawag sa part na kailangan ng buong sinehan ng makabagbag-damdaming KATAHIMIKAN)
  6. Bakit pag pumunta ka sa supermarket at kumuha ng cart, parang yung isang gulong ng cart may sariling utak?
  7. Bakit nga ba may mga bangaw na mukang nakapark sa ere pag umaga?
  8. Bakit wala pang Santan Juice sa Tetra pack?
  9. Bakit yung mga batang may pang tuition fee ayaw mag-aral, tapos yung wala namang pera pambayad ng matrikula gustong-gusto mag-aral?
  10. Bakit pag mahal mo ang isang tao most probably hindi ka mahal, tapos pag mahal ka naman, hindi mo mahal? Sad with sad face. :(
Weird noh? Sana masagot ko din yan balang araw. Kung may sagot ka, please naman maawa ka sa kaluluwa ko at sabihin mo na saken ang sagot. Dahil hindi ako matahimik sa mga katanungang iyan, nagugulumihanan ang aking dadamin. Pag may sagot ka sabihin mo saken ha? Paalam muna  -Monike :)