May sikret akong sasabihin. Actually hindi naman talaga siya
sikret kasi nakikita naman nila akong ginagawa yun. Pero sasabihin ko sayo. Oo
sayo. Na hindi naman masyadong nakikita ako ng personal. Hihi. Eto na…
nag-eexercise kamo ako. Hindi naman talaga siya sikret diba? Kaso kasi medyo
nakakahiya pag sinasabi ko ee. Parang weird kasi kapag sinabi mong
nag-eexercise ka, kasi most ng mga tao hindi talaga mahilig or hindi pa talaga
nageexercise sa tanang buhay nila. Ako nag-eenjoy. Nagbibike ako. May stationary
bike kasing binili ang kuya ko dati. Aun mostly 30 mins – 1 hour ako dun. Tsaka
nagbubuhat din ako. 10 pounds ata yung dumbbell na yun ee. Ambigat nya pramis.
Minsan dalawang kamay ang ginagamit ko sa pagbubuhat nun ee. Hahaha. Eto ang
mga dahilan kung bakit nag-eenjoy ako mag-exercise:
Nakakapayat kasi siya. Don’t get me wrong. Hindi ako
nageexercise lang dahil alam kong nakakapayat siya, pero isa yun sa mga
malaking dahilan. Sa tulad kong buong buhay na inaasar na mataba, medyo iba ang
feeling kapag sinabihan kang “Ang payat payat mo na!” o “Ang sexy mo na!”.
Waaww. Heaven. Hahaha. Sasabihin ko naman “I knoowwww right?!” or “Matagal ko
na sinsabi sayong payat ako, mata mo lang ang ayaw maniwala” sabay tawa ng
malakas. Echuserang froglet lang. Pero masarap talaga sa feeling pramis.
Nakakaboost ng self confidence. Aun. :))
Nakakatulog ako ng maaga. Hindi naman lingid sa kaalaman ng
mga taong malapit sa akin na ako’y isang dakilang INSOMNIAC. Hindi talaga ako
nakakatulog ng maaga. As in. Mga 1 to 2 hours na akong nakahiga. Hindi pa din
ako makatulog. Yung feeling na, pagod na pagod na yung katawan ko, pero yung
utak ko ayaw pa rin magshut down. Ngaun. Automatic shutdown na agad dahil pagod
na pagod na yung katawan ko ee. Wala ng
ikot ikot muna sa kama bago makatulog. Ahhhhh sarap! :))
Nakakabili na ako ng mga gusto kong damit. Nung isang araw,
pinagtripan ko yung mga luma naming damit
at bwalaaaaahhh! May mga bagong damit nanaman ako. Yung mga dating hindi
kasya, nasusuot ko na ulet. Yung mga palda, ginagawa ko ng dress at kung
anik-anik pa. Ansarap sa feeling na may nasusuot na ako at hindi ako nahihiya. At
madami dami na ding kasya. Di katulad dati na hirap na hirap talaga ako sa
pagpili at pagsukat ng damit. Grabeh!
Konti palang yang mga dahilan na yan. Pero super enjoy talaga
kapag nageexercise. Nakakatuwa. Sobrang boost pa ng energy. Kaya highly
recommended ko ang pageexercise lalo na sa mga mambabasa kong hindi masyado
nageexercise. Kaya ikaw, magexercise ka na! Lika sabay tayo! Sa uulitin. Ciao!
:))