Biyernes, Setyembre 7, 2012

Ang Babae sa Breakwater :)


Matagal tagal na din itong mga pictures na ito pero gusto ko tong ikwento. Nung May kasi nagkayayaan kami ng tropa ko ng college na magswimming sa Tanza. Overnight siya. So after ng swimming pumunta kami sa bahay ng bespren ko na malapit sa dalampasigan. Being the adventurer that I am, gusto ko magdora the explorer doon kaya naman tadaaaaa!!Eto ang mga nadiscover ko:


Pumupunta yung mga mamimili (most commonly mga tindera din sila sa palengke) sa mga fish ports na tulad nito. Magkukumpol-kumpolan sila at titignan ang mga isda


Titignan nila kung fresh pa o bilasa na yung mga isda. Kung nalambat lang ba ito o dinynamite fishing.


Tapos magbibigay sila ng presyo sa may-ari ng isda. IBUBULONG NILA ANG KANILANG PRESYO. Parang auction pero secret lang yung price ng iba. Syempre pataasan sila ng bigay. Aun. Kaya BULUNGAN ang tawag sa lugar.


Andami kong nakitang mga isda tulad nitong tuna na nasa likod ko. Anlaki nila. at nung tinanong ko kung magkano yung price, 14,000 pesos daw. Aun. Naloka ako. Hahaha.



May iba’t ibang klase ng isda. Kakaiba ang kulay at hindi ko alam ang tawag. Pero ang cucute nila. Fresh pa, kasi mula sa Bangka diretso agad dito ang mga isda kaya nakakasiguro kang laging bago.


May mga alimasag at alimango pa. At take note buhay sila :))


At syempre may picture si Dora the Explorer sa Breakwater. Ciao! – Monike

Linggo, Hulyo 22, 2012

Sikretong hindi talaga sikreto


May sikret akong sasabihin. Actually hindi naman talaga siya sikret kasi nakikita naman nila akong ginagawa yun. Pero sasabihin ko sayo. Oo sayo. Na hindi naman masyadong nakikita ako ng personal. Hihi. Eto na… nag-eexercise kamo ako. Hindi naman talaga siya sikret diba? Kaso kasi medyo nakakahiya pag sinasabi ko ee. Parang weird kasi kapag sinabi mong nag-eexercise ka, kasi most ng mga tao hindi talaga mahilig or hindi pa talaga nageexercise sa tanang buhay nila. Ako nag-eenjoy. Nagbibike ako. May stationary bike kasing binili ang kuya ko dati. Aun mostly 30 mins – 1 hour ako dun. Tsaka nagbubuhat din ako. 10 pounds ata yung dumbbell na yun ee. Ambigat nya pramis. Minsan dalawang kamay ang ginagamit ko sa pagbubuhat nun ee. Hahaha. Eto ang mga dahilan kung bakit nag-eenjoy ako mag-exercise:

Nakakapayat kasi siya. Don’t get me wrong. Hindi ako nageexercise lang dahil alam kong nakakapayat siya, pero isa yun sa mga malaking dahilan. Sa tulad kong buong buhay na inaasar na mataba, medyo iba ang feeling kapag sinabihan kang “Ang payat payat mo na!” o “Ang sexy mo na!”. Waaww. Heaven. Hahaha. Sasabihin ko naman “I knoowwww right?!” or “Matagal ko na sinsabi sayong payat ako, mata mo lang ang ayaw maniwala” sabay tawa ng malakas. Echuserang froglet lang. Pero masarap talaga sa feeling pramis. Nakakaboost ng self confidence. Aun. :))

Nakakatulog ako ng maaga. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga taong malapit sa akin na ako’y isang dakilang INSOMNIAC. Hindi talaga ako nakakatulog ng maaga. As in. Mga 1 to 2 hours na akong nakahiga. Hindi pa din ako makatulog. Yung feeling na, pagod na pagod na yung katawan ko, pero yung utak ko ayaw pa rin magshut down. Ngaun. Automatic shutdown na agad dahil pagod na pagod na yung katawan ko ee.  Wala ng ikot ikot muna sa kama bago makatulog. Ahhhhh sarap! :))

Nakakabili na ako ng mga gusto kong damit. Nung isang araw, pinagtripan ko yung mga luma naming damit  at bwalaaaaahhh! May mga bagong damit nanaman ako. Yung mga dating hindi kasya, nasusuot ko na ulet. Yung mga palda, ginagawa ko ng dress at kung anik-anik pa. Ansarap sa feeling na may nasusuot na ako at hindi ako nahihiya. At madami dami na ding kasya. Di katulad dati na hirap na hirap talaga ako sa pagpili at pagsukat ng damit. Grabeh!

Konti palang yang mga dahilan na yan. Pero super enjoy talaga kapag nageexercise. Nakakatuwa. Sobrang boost pa ng energy. Kaya highly recommended ko ang pageexercise lalo na sa mga mambabasa kong hindi masyado nageexercise. Kaya ikaw, magexercise ka na! Lika sabay tayo! Sa uulitin. Ciao! :))

Sabado, Hulyo 21, 2012

Bakit namiss ko ang pagiging Nars


Inaantok ako. Nanaman. Nandito ako sa clinic ee. At eto lang ang napatunayan ko. Sarap talaga matulog sa clinic. Hahaha. Di ko din masisisi kung gusto ng mga batang matulog dito ee. Lalo na kung maulan-ulan sa labas, nakaka-antok ang prof, at puyat ka pa. Talagang gagawa ka ng dahilan para makatulog sa clinic. Almost 3 weeks na akong nagwowork dito. Enjoy naman. Kahit wala pang sweldo. Haha. Wala naman talaga akong ginagawa ee. Taga-bigay lang ng Biogesic. Mapasipon, sakit ng ulo, lagnat, hypochondriasis o obsessive-compulsive disorder pa ang sakit mo, alam kong mapapagaling ka ng Biogesic ko. Sabi nga ni Papa John Lloyd diba? Ingat! :))

Sa tatlong linggong nagpapanggap akong nurse, super enjoy ako. Naalala ko kung bakit nag-enjoy din ako sa course ko dati (kahit ngaun wala talaga kami mapasukang trabaho). Eto ang mga dahilan

1. Chona Chikadora ako. Mahilig talaga ako makipag-interact sa mga tao. Masaya ako pag nagkwekwento ako ng mga nararanasan ko sa buhay. Tulad nentong ginagawa ko ngaun. Pero mas enjoy na habang nakikipagkwentuhan ka sa mga bata o teacher na may sakit ay may naiimpart ka sa kanila (tulad ng biogesic). Minsan sobra sobra na nga ang health teaching ko dito ee. Feeling ko tuloy nagtuturo na din ako ng nursing 

2. Why so serious? Joker ako talaga. Minsan kasi kailangan lang ng mga batang ito tumawa, ngumiti.  Minsan common sense lang din talaga ang kailangan sa mga problema nila ee. Masakit daw ang ulo, tapos pag tinanong mo, puyat pala kaya masakit ang ulo, edi hindi gamot ang kailangan mo kundi… tadaaaaaaaaah TULOG! Pero minsan hindi nila naiintindihan yun. Kaya binibigyan ko nalang ng biogesic. Hahaha.

3. May pagka-Ambivert kasi ako. Extrovert ako pag may tao at may kausap, pero minsan umaatake din ang pagkaintrovert ko na  gusto lang mapag-isa. Emo-emohan lang ang lola mo. Gusto ko mag-isip. Magplano ng mga gagawin ko sa buhay. Magplano, Magsiguro, Maghanda… parang commercial ng GMA para sa tag-ulan. At nagagawa ko yun dito sa clinic. Kaya keriboom keriboom talaga dito. Masaya pa ang mga kasamahan ko. Nakakaloka lang. :)

All in all, namiss ko din talaga ang pagiging nurse, kahit ayaw ko talaga ng course ko, at kahit gusto ko pa din talagang maging engineer. Hahaha. You can take me out of nursing, but you cannot take nursing out of me. Im your super nurse Monike, signing out! Ciao! :)