Matagal tagal na din itong mga pictures na ito pero gusto ko
tong ikwento. Nung May kasi nagkayayaan kami ng tropa ko ng college na
magswimming sa Tanza. Overnight siya. So after ng swimming pumunta kami sa
bahay ng bespren ko na malapit sa dalampasigan. Being the adventurer that I am,
gusto ko magdora the explorer doon kaya naman tadaaaaa!!Eto ang mga nadiscover
ko:
Pumupunta yung mga mamimili (most commonly mga tindera din sila sa palengke) sa mga fish ports na tulad nito. Magkukumpol-kumpolan sila at titignan ang mga isda
Titignan nila kung fresh pa o bilasa na yung mga isda. Kung nalambat lang ba ito o dinynamite fishing.
Tapos magbibigay sila ng presyo sa may-ari ng isda. IBUBULONG NILA ANG KANILANG PRESYO. Parang auction pero secret lang yung price ng iba. Syempre pataasan sila ng bigay. Aun. Kaya BULUNGAN ang tawag sa lugar.
Andami
kong nakitang mga isda tulad nitong tuna na nasa likod ko. Anlaki nila. at nung
tinanong ko kung magkano yung price, 14,000 pesos daw. Aun. Naloka ako. Hahaha.
May iba’t ibang klase ng isda. Kakaiba ang kulay at hindi ko alam ang tawag. Pero ang cucute nila. Fresh pa, kasi mula sa Bangka diretso agad dito ang mga isda kaya nakakasiguro kang laging bago.
May mga alimasag at alimango pa. At take note buhay sila :))
At syempre may picture si Dora the Explorer sa Breakwater.
Ciao! – Monike